Unemployment

Cards (77)

  • Unemployment- sitwasyon kung saan may kawalan ng trabaho ang taong may kakayahang magtrabaho
  • Unemployment- Ito rin ang bahagdan ng walang trabaho o hanapbuhay
  • Unemployment- suliraning pang-ekonomiya na malaking hamon sa mga Pilipino
  • May 4 na uri ang unemployment- Frictional, Structural, Seasonal, at Cyclical Unemployment
  • Frictional Unemployment- Pansamantalang kawalan ng hanapbuhay habang naghahanap ng trabaho
  • Structural Unemployment- kawalan ng hnapbuhay dahil sa hindi magtugma o limitadong kasanayan ng manggagawa sa mga bagong gawain na dulot ng pagbabago sa kaayusan o estruktura ng kompanya
  • Seasonal Unemployment- kawalan ng trabaho dahil pana-panahon lamang ang pangangailangan ng manggagawa sa isang trabaho
  • Cyclical Unemployment- kawalan ng trabaho sanhi ng recession o pagkalugi ng mga industriya kaya nagbabawas ng empleyado upang mabawasan din ang mga gastusin sa pagnenegosyo
  • Ang mga 7 na sanhi ng unemployment ay Kawalan o kakulangan ng kasanayan, Kakulangan ng mga imprastruktura sa maraming pook, Kakulangan sa Kalipikasyon sa edukasyon, Di-balanseng bilang ng nagtatapos sa iba't ibang kurso, Kawalan ng interes na magtrabaho sa ibang larangan, Mababang bilang ng namumuhunan, at Pananamlay ng ekonomiya.
  • KAWALAN O KAKULANGAN NG KASANAYAN- ang kasalukuyang industriya ay nangangailangan ng manggagawang may kasanayan sa paggamit ng mga makinarya at bagong kasangkapan. Sa gayon, ang mga may sapat na kasanayan ay may malaking pagkakataong matanggap sa trabaho
  • KAKULANGAN NG MGA IMPRASTRUKTURA SA MARAMING POOK- ang kawalan o kakulangan ng maayos na tulay, daanan, pantalan, paliparan, at telekomunikasyon ay magiging hadlang sa pagtatayo ng negosyo sa maraming pook. Ang mga imprastrukturang ito ay kailangan sa negosyo upang mapabilis ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo. Dahil karamihan sa mga imprastrukturang ito ay nasa mga lungsod at sentro ng lalawigan, marami sa mga manggagawa ang napipilitang lumayo sa kanilang pamilya upang makapagtrabaho
  • KAKULANGAN SA KALIPIKASYON SA EDUKASYON- taon-taon ay mahigpit sa anim na milyong mag-aaral ang nagtatapos sa high school ngunit 2.4 milyon lamang ang nakapagpapatuloy na mag-aral sa kolehiyo. Marami ang tumigil sa pag-aaral dahil sa mataas na gastusin ng mag-aral sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral na hindi nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral ay posibleng mahirapan na makakuha nang maayos na trabaho dahil isa o mahigit pang taon ang isa sa mga kalipikasyon ang itinakdang pamantayan ng mga kompanya sa bansa.
  • DI-BALANSENG BILANG NG NAGTATAPOS SA IBA'T IBANG KURSO- marami sa mga mag-aaral ang kumukuha ng kursong limitado lamang ang bilang ng kinakailangang manggagawa. Dahil dito, marami ang nagtatapos sa kolehiyo ngunit iilan lamang ang tinatanggap sa trabaho
  • KAWALAN NG INTERES NA MAGTRABAHO SA IBNG LARANGAN- sakalig walang makuhang kurso, ang aplikante ay hindi na nagtatangkang humanap ng trabaho sa ibang larangan. Sa kanyang pananaw, makapagpababa ito sa kanyang dignidad. Ngunit dahil kulang din naman siya sa kasanayan sa pagtatayobng maliit na negosyo, mananatili na siyang walang trabaho sa loob ng ilang panahon.
  • MABABANG BILANG NG NAMUMUNUHAN- malaking salik sa unemployment sa bansa ang kakaunting bilang ng mga negosyong itinatayo sa bansa. Ang npakaraming bilang ng mga kinakailangang permiso sa pagtatayo ng negosyo, mataas na buwis, pabago-bagong patakaran, at malalang kriminalidad ang mga dahilan kaya nahihirapang makahikayat ang pamahalaan ng mga bagong negosyo sa bansa.
  • PANANAMLAY NG EKONOMIYA- ito ay isang sanhi ng pagsasara ng mga negosyo sa bansa. Kung magsasara ang isang negosyo, ang mga empleyado nito ay mawawalan ng trabaho o mahihirapang humanap ng panibagong trabaho
  • Ang mga epekto ng unemployment at maihahanay sa pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunang aspeto.
  • PAMPOLITIKA- dahil sa kawalan ng trabaho, dumarami ang taong nasasangkot sa paggawa ng krimen, gaya ng pgnanakaw. May ilan ding nalululong sa paggamit ng bawal na gamot
  • PAMPOLITIKA- nagsasagawa ang ilang pangkat ng rally upang tutulan ang isang patakaran. Sa ganitong pagkakataon, maaaring magkaroon ng kaguluhan. Maaari itong ikabahala ng mga negosyante na magtayo ng negosyo sa bansa
  • PANG-EKONOMIYA-
    nagkakaroon ng BRAIN DRAIN. Ito ang pagkaubos ng mga propesyonal na may angking kasanayan o talento dahil pinili niyang mangibang-bayan upang maghanap ng mas magandang oportunidad s paghahanapbuhay. Nakakahadlang ang brain draindrain sa pag-unlad ng bansa dahil mas nakikinabang ang mga dayuhang bansa sa edukasying nakuha ng mga Pilipino sa mga paaralan sa Pilipinas.
  • PANG-EKONOMIYA- lumiliit ang buwis na nakokolekta ng pamahalaan sa mga mamamayan kapag malala ang unemployment. Kapag maliit na buwis, maliit na badyet ang magagamit ng pamahalaan sa paghahatid nito ng serbisyo sa mga mamamayan.
  • PANLIPUNAN- pagkakawalay-walay ng pamilya. Sanhi ng unemployment ay maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang ama o ina ng pamilya. Ang pagkakahiwalay na ito ay posibleng magdulot pa ng ibang suliranin na maaaring ikawasak ng pamilya.
  • PANLIPUNAN- pagkawala ng tiwala sa sarili. Ang taong walang trabaho ay nakararanas ng panghuhusga na sumusukat sa kanyang kakayahan mula sa kanyang pamilya at kapwa. Kung ito ay palaging mararamdaman ng indibidwal, darating ang panahon na mawawalan na ito ng pagsisikap na humanap ng trabaho na kadalasan ay maaaring magdulot sa kanya ng matinding kalungkutan
  • DepEd- Department of Education / Kagawaran ng Edukasyon
  • CHED- Commission on Higher Education/ Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon
  • DOST- Department of Science and Technology / Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
  • NEDA- National Economic and Development Authority / Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad
  • DA- Department of Agriculture / Kagawaran ng Agrikultura
  • GSIS- Government Service Insurance System / Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan
  • SSS- Social Security System / Paseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan
  • DOLE- Department of Labor and Employment / Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
  • POEA- Philippine Overseas Employment Administration / Kawanihan para sa Empleyong Panglabas
  • TESDA- Technical Education and Skills Development Authority / Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan
  • Paglunsad ng K to 12 curriculum upang malangkop ang kasanayan ng mga Pilipinong mag-aaral sa pamantayang pandaigdig. (DepEd)
  • Isinama rin sa K to 12 ang pagpasok ng mga mag-aaral sa mga kompanya upang maging intern upang sa kanilang pagtatapos sa high school ay maaari na silang makakuha ng trabaho. (DepED)
  • Pagtatag ng ganap, sapat, at buong sistema ng mataas na edukasyon na isa sa mga tunguhin ay tugunan ang isyung jobs-skills mismatch o ang pinag-aralan sa kolehiyo ay di tugma o kaya'y kulang sa kasanayang hinihingi ng trabaho.
    (CHED)
  • Pananaliksik at pag-aaral sa agrikultura, pangingisda, pangungubat, semiconductor and electronics, agri- processing, information and communications technology. atbp., na makatutulong sa human capital development. (DOST)
  • Pagbalangkas ng mga planong pangkaunlaran na magagamit sa mga pagsisikap ng pangkalahatang kagalingan, (NEDA)
  • Pagkakaloob ng iskolarsip sa mga kabataang nais na mag- aral ng pagsasaka. (DA)
  • Pagpapadala ng mga eksperto sa pagsasaka mga lalawigan upang palakasin ang kabuhayan ng mga magsasaka at mahikayat ang mga ito na manatili sa sektor ng pagsasaka. (DA)