Ang Tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw.
Saknong – ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
Tugma – tumutukoy ito sa pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salitang nasa
hulihan ng mga taludtod.
Larawang-Diwa – ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Indayog o aliw-iw – ito ang tono kung paano binibigkas ang mga taludtod, ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas, gayundin ang dulas ng pagbigkas ng mga pantig ng salita sa isang taludtod.
Kariktan – tumutukoy ito sa maririkit na salita upang maakit, mawili, at mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
Simbolismo – ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwang taglay ng tula.
Tulang Liriko o Pandamdamin – Sa uring ito ng tula ay itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay.
Awit (Dalitsuyo) – Isang halimbawa niyo ay ang Kundiman o awit tungkol sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig ng mga binata sa sinusuyo nilang dalaga
Pastoral (Dalitbukid) – Ang tunay na layunin nito ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
Oda (Dalitpuri) – Sa makabagong panulaan, ito ay isang uri ng tulang
lirikong may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal.
Dalit (Dalitsamba) – Ito ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.
SONETO (DALITWARI) – Ito ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayari nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Elehiya (Dalitlumbay) – Ang tulang ito ay may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni.
Tulang Pasalaysay – Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Ito ay may apat na uri.
Epiko (Tulabunyi) – Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang salaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay nagpipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan.
MetricalRomance (Tulasinta) – Ito ay tulang pasalaysay na
mahirap makilala ang kaibahan sa epiko.
Rhymed or MetricalTale (Tulakanta) – Kapag ang tulang
salaysay ay naging payak ito ay tinatawag na tulakanta.
Ballad (Tulagunam) – Ito’y isang awit na isinasaliw sa sayaw
subalit nang lumao’y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payak at tapatan.
Tulang Dula – Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga uri ng tulang ito.
Tulang Dulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue) – Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayon din para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula.
Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy) – Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang-diwang kapwa katawa-tawa; may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay nakakalilibang; at nagtataglay ito ng isang
masayang tadhana.
Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry) –
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.
Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry) – Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.
TulangDulangKatawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry) – Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos.
TulangDulangParsa (Farce in Poetry) – Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa. Ang balangkas nito ay higit na katawa-tawa kaysa makatwiran.
Tulang Patnigan (Justice Poetry) – Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatanggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay palighasan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
Karagatan – Isang palighasan sat ula na kalimtang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao nab ago pa man dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.
DUPLO – Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan.
Balagtasan – Sa isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Insituto de Mejures sumilang ang uring ito ng panulaang Tagalog.
Batutian – Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga kayabangan, panunudyo, at palaisipan.
Lakas ng Boses – sa pagbigkas, kailangang may malakas at mahinang boses batay sa hinihingi ng kalagayang may kinalaman sa damdaming nais iparating ng bumigkas.
Bilis ng Pagbigkas – ito ay ang bilis at bagal ng pagbigkas upang mailahad ang kahulugan ng binibigkas. Ito rin ay may kaugnayan sa damdaming nais iparating ng bumibigkas.
Linaw ng Pagbigkas – ito ay may kinalaman sa tamang lakas ng tinig, tamang bilis, at tamang pagbigkas ng salita. Bigkasin nang may impit ang salitang nangangailangan ng impit upang hindi maipagkamali ang kahulugan ng bawat salita.
Hinto – iba’t ibang uri ang paghinto sa pagbigkas. May matagal at bahagyang paghinto. Mas matagal ang hinto kung ito ay sinasagisag ng tuldok sa katapusan ng bawat pangungusap kaysa kung ito ay sinasagisag ng kuwit. Ang
hinto ay nakapagdaragdag ng kalinawan sa sinasabi ng bumibigkas.
Kilos at Kumpas – ito ay kinakailangan din upang maging higit na kawili-wili ang pagbigkas. Dito, buhay na buhay ang nagsasalita at nagkakaroon ng kakaibang dating sa mga tagapakinig. Ito rin ay nakatutulong sa pagbibigay-diin