Isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
pamanahong papel
Nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o sabjek. (saklaw ng isang semester o traymester)
Isa sa sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong-papel ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito.
Pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito. (blangko)
flyleaf 1
Pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan ng malayuan, kinakailangang magmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga informasyong nasa pahinang ito.
pamagating pahina
Pahinang kinukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
dahon ng pagpapatibay
Dito tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong papel at kung gayo’y nararapat na pasalamatan o kilalanin.
pasasalamat o pagkilala
Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
talaan ng nilalaman
Dito nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at graf na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
talaan ng mga talahanayan at graf
Isa na namang blankong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel
flyleaf 2
Kabanata I - Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
panimula o introduksyon
Dito inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
layunin ng pag-aaral
Inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy dito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag aaral sa iba’t ibang individwal, pangkat, tanggapan, institusyon, profesyon, disiplina o larangan.
kahalagahan ng pag-aaral
Dito tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung anu-ano ang varyabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
saklaw at limitasyon
Ang mga katagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
definisyon ng mga terminolohiya
Ang pagpapakahulugan ay maaring konseptwal (ibinibigay ang istandard na definisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong-papel).
Kabanata II - Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Tinutukoy rito ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Kabanata II
Kailangang matukoy ng mga mananaliksik sa Kabanata II:
sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,
disenyo ng pananaliksik na ginamit,
mga layunin, at
mga resulta ng pag-aaral.
Ipinaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.
Kabanata II
Ang pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay mga bago o nalimbag sa loob ng huling limang taon. (naka-depende sa requirement ng paaralang pinapasukan)
Piliting gumamit ng mga pag-aaral na lokal at dayuhan.
Tiyaking ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
Objektib o walang pagkiling.
Nauugnay o relevant sa pag-aaral.
Sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
Kabanata III - Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
disenyo ng pag-aaral
Dito nakasaad kung ilan ang respondente ng sarvey, paano at bakit sila napili.
respondente
Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at informasyon.
Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
instrumento ng pananaliksik
Maaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey kwestoneyr sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analytic na disenyo.
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan.
Pagkuha ng posryento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
tritment ng mga datos
Kabanata IV - Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Dito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon.
Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
Kabanata IV
Gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos.
tekstwal na presentasyon
Gumagamit ng istatistikal na talahanayan.
Ang magkakaugnay na datos ay inaayos ng sistematiko.
Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay (row) upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa tiyak, kompak, at nauunawaang anyo.
tabular na presentasyon
Gumagamit ng graf - isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytiv na varyasyon o pagbabago ng varyabol, o kwantiteytib na comparison ng pagbagago ng isang varyable sa iba pang variable o mga variable na anyong palarawan o diagramatik (Calderon at Gonzales (1993).
grafikal na presentasyon
Ginagamit upang ipakita ang mga pagbabago ng varyabol. Efektibo ito kung nais ilantad ang trend o pagtaas, pagdami, o pagsulong ng isang tiyak na varyabol.
layn graf
Ginagamit upang ipakilala ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o fraksyon ng isang kabuuan.
bilog na graf
Efektiv na gamitin upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit pang varyabol sa pamamagitan ng haba ng bar. Maaaring patayo o pahiga.
bar graf
Ginagamit kung ang presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan sa isang varyabol.