kompan: pangngalan, panghalip

Cards (12)

  • Pangngalan (noun) 
    Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, pook o pangyayari.
  • 2 Uri ng Pangngalan
    • Pansemantika - tinitingnan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap (function)
    • Pangkayarian - batay sa anyo o itsura 
  • 4 na Uri ng Pansemantika
    • Pangngalang Pantangi (Proper noun) - Partikular na pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pook o pangyayari. (Capital first letter)
    Ex: Alex, Catherine, Davao
    • Pangngalang Pambalana (Common noun) - Tumutukoy sa pangkahalatang diwa 
    Ex: Lalaki, babae, aso, tao
    • Tahas (Concrete noun) - Tumutukoy sa bagay na materyal; nakikita, nahahawakan, naririnig, naaamoy, nalalasahan
    Ex: tao, bintana, relo, kalawakan
    • Basal (Abstract noun) - Tumutukoy sa hindi materyal, kundi nasa isip at diwa
    Ex: edukasyon, pag-ibig, galit
  • 4 Uri ng Pangkayarian
    • Payak ito ay nasa salitang ugat lamang 
    Ex: asin, dagat, lapulapu
    • Maylapi o Hinango binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.
    Ex: kaklase, Pamahalaan, kabuhayan
    • Inuulit mga salitang inuulit
    • Di-ganap / pasyal - mga salitang kalahati lang ang nauulit. Ex: Bali-balita, sali-salita
    • Ganap - nauulit ang buong salita. Ex: araw-araw, halo-halo
    • Tambalan - binubuo ng dalawang salitang pinagisa
    Ex: kambal-tuko, kapitbahay, punongkahoy
  • Panghalip (pronoun)
    Humahalili/ pumapalit sa pangngalan
    1. Panghalip Panao (Personal pronoun) – panghalili sa ngalan ng tao. Ex: Si Dr. Jose RIzal ay manggagamot sa baryo. Siya ay manggagamot sa baryo.
  • Uri ng Panghalip Panao
    Kailanan 
    • Isahan – panghalip na isa lamang ang tinutukoy. Ex: Ikaw, ako, ko, siya, akin, kanya
    • Dalawahan – panghalip na dalawa ang tinutukoy. 
    • Maramihan – panghalip na tatlo o higit pa ang tinutukoy. Ex: kayo, ninyo, sainyo
  • Panghalip Panao
    Panauhan
    • Una – mga panghalip na kasama ang nagsasalita sa pinaguusapan/ pangungusap. Ex: ko, ako, tayo, amin, kita
    • Ikalawatumutukoy sa taong kausap. Ex: Ikaw, iyo, ka, mo, ninyo
    • Ikatlopanghalip na pinaguusapan. Ex: sila, kanila, niya , kanya, siya
  • Panghalip Pamatlig (demonstrative) – humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, atbp. na itinuturo o inihihimatan. Ex: ito, iyon, narito, naroon
  • Panghalip Panaklaw ( indefinite ) – sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan. Ex: isa, lahat, pawa, kuwan
  • Panghalip Pananong – mga panghalili sa pangngalan na ginagamit sa pagtanong. EX: Sino, sino-sino, ano, anu-ano
  • Kakanyahan ng Pangngalan
    1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan
    • Ang pangngalan ang nagsisilbing simuno o paksa sa loob ng pangungusap. 
    1. Kailanan ng Pangngalan 
    • Isahan: ang, si, ni , kay at pamilang na isa. 
    • Dalawahan: mag- ,dalawa
    • Maramihan: mga, sina, nina, kina, o iba pang higit sa dalawa
    1. Kasarian ng Pangngalan
    • Panlalaki, Pambabae, Di-tiyak (panlalaki o pambabae), Walang kasarian