2.1 JAPAN

Cards (33)

  • Panitikan: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Basho Japan
  • Gramatika/retorika: ponemang suprasegmental
  • Uri ng teksto: Naglalarawan
  • Ang Japan ang isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng ekonomiya at teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig
  • Mga ponemang suprasegmental
    • diin
    • tono o intonasyon
    • antala o hinto
    upang mabigakas mo nang wasto ang ilang halimbawa ng tanka at haiku
  • Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon
  • Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haku noong ika-15 siglo
  • ang tanka at haiku, sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang
  • Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na manyoshu o collection of ten thousand leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba't ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami
  • Sa pamgitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat ng china upang ilarawan ang tunog hapon, Tinawanag na kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay "hiram na mga pangalan"
  • Ipinahahayag ng mga hapon na ang manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila
  • Maikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin. Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan
  • tanka - karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag iisa, o pag-ibig
  • Tatlumpu't isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na tanka
  • Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka
  • aristocrats: a member of the aristocracy; a noble. a person who has the manners or qualities of a member of a privileged or superior class.
    Aristocracy is a form of government or class
  • Noong panahon ng pananakop ng mga hapon sa pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku
  • ang haiku ay binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan
  • ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto na tinatawag dito ay kiru na sa ingles ay cutting
  • ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan
  • ang kireji ang salitang paghihintuan o cutting word
  • maikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Karawniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7
  • ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitng bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay:5-7-5 o maaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin
  • ang paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag ibig
    sa tabja banab ay pagbabago, pag-ibig, at pag iisa
  • kung may tanka at haiku ang japan tayo naman sa pilipinas ay may tanaga
  • ang tanaga ay isang uri ng sinaunang tula ng mga pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masinig na paggamit ng antas ng wika.
  • Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong - tanaga
  • Ang ponema (mula sa espanyol Fonema/phoneme) ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
  • ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita
  • ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito
  • halimbawa ng diin: KIta vs kiTA
    haPON vs hapon
  • tono - ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring makapagsigla, makapagpahayag ng ibat ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag usap sa kapuwa
  • antala/hinto - bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap