Dalawang uri ng pamahalaan: PamahalaangMilitar, PamahalaangSibil
Dalawang uri ng patakaran: Patakarang Pasipikasyon at Patakarang Kooptasyon
Tatlong uri ng Batas: Batas Sedisyon, Batas Rekonsentrasyon, Batas Brigandage, at Batas sa watawat
Itinalaga ang pamahalaang Militar noong Agosto 14, 1898
Itinatag ang pamahalaang militar upang tuluyang wakasan ang panganib na dulot ng mga Pilipinong patuloy na nakikipaglaban at makapagdala ng kaayusan at kapayapaan sa Pilipinas
Ang kautusan ng pagbuo ng Pamahalaang Militar ay galing kay pangulong William McKinley
Si Heneral Wesley Meritt ang kauna-unahang gobernador-militar
Si Wesley ay sinundan nina Heneral Elwell Otis at Heneral Arthur McArthur
Ang kapangyarihan ng gobernador-militar ay tagapagpaganap, tagapagpatibay ng batas, at tagapaghukom.
Tatlong taon lamang ang itinagal ng Pamahalaang Militar
Ang Susog Spooner na ipinanukala noong 1901 ni Senador John Spooner ang nagbigay-daan upang palitan ang pamahalaang militar
Pinasinayaan ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901 at itinalaga si William Howard Taft bilang gobernador-sibil
Ang pamahalaang sibil ang nagbigay ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahoksapamahalaan
Batas Sedisyon- Ipinasa ito ng Philippine Commission noong Nobyembre 4, 1901 na kung saan ipinagbawal ang anumang pagpuna at paglaban sa pamamahala ng mga Amerikano. Kaparusahang kamatayan o mahabang pagkabilanggo ang sinumang lumabag sa batas na ito
Batas sa Rekonsentrasyon- Layunin ng batas na ito na masukol ang mga gerilyang nagtatago sa mga liblib na pook o pamayanan.
Batas sa Rekonsentrasyon- Layunin ng batas na ito na masukol ang mga gerilyang nagtatago sa mga liblib na pook o pamayanan.
Batas sa Watawat - sa batas na ito ipinagbawal ang pagwawagayway ng bandilangPilipino sa anumang pagkakataon o saan mang lugar sa bansa mula 1907 hanggang 1918
Batas Brigandage - Ipinagbawal ang pagsapi ng mga Pilipino sa mga pangkat na tahasang tumututol sa pananakop ng mga dayuhan. Pagkabilanggo nang 20 taon o higit pa o kamatayan ang kaparusahan nito.
Samantala, ipinatupad ang patakarang kooptasyon upang pumayag ang mga Pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano. Sa pamamagitan ng patakarang ito, unti unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanungkulan sa pamahalaan
Nabigyan din ang mga Pilipino ng pagkakataong makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan. Napasailalim sa mga Pilipino ang pamahalaang lokal ng bansa, naigawad din ang karapatang bumoto ng mga lalaking may 23 taong gulang na nakababasa at nakasusulat.