Mga sitwasyong Pangwika sa pilipinas

Cards (48)

  • Telebisyon ang tinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
  • Mas malawak ang nasasakop ng telebisyon at mas malaki ang impluwensya nito kumpara sa social media o internet
  • Ang madalas na exposure sa telebisyon ang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na di Katalugan
  • Sa tulong ng Cable o Satellite ay dumagsa ang mga manonood, at nakatulong ang wikang Filipino sa mga manonood upang mapalawak ang kaalaman at pag-unawa sa pagsasalita ng lingua francang Filipino
  • Filipino ang nangungunang midyum na ginagamit sa mga palabas o programa sa telebisyon
  • Ingles ang ginagamit ng ilang news program na pinapalabas tuwing gabi
  • Wikang rehiyonal ay ginagamit ng mga programang lokal sa mga probinsya kung saan hindi na kinailangan pang gumamit ng mga subtitle or dub
  • Ang Radyo ay nakakatulong sa anumang sitwasyon para maipabatid ang mga mahahalagang isyu kaugnay sa kalagayang panlipunan at pandaigdigan
  • Ang lingua franca Nasyonal na wikang Filipino ay ginagamit sa mga estasyong lokal sa tuwing may kinapanayam na mula sa ibang lugar o taal na nagsasalita ng Filipino.
  • "Taal na nagsasalita" ang tawag sa isang tao na ginagamit ang unang wika sa pagsasalita
  • karamihan sa mga estasyon ng AM o FM ay gumagamit ng wikang Filipino o wikang panrehiyonal, ngunit mas nangunguna pa rin ang wikang Filipino
  • Filipino ang nangungunang wika na ginagamit sa radyo
  • Wikang panrehiyonal ang ginagamit ng mga pamprobinsyang programa sa radyo
  • Telebisyon, Radyo, Diyaryo, Social Media, Internet ang mga sitwasyong pangwika sa pilipinas
  • Ang diyaryo ay nahahati sa tabloid at broadsheet na naglalaman ng mga balita, pang-aliw at pangkaalaman
  • Wikang Filipino ang ginagamit sa Tabloid
  • Wikang Ingles ang ginagamit sa Broadsheet
  • Pormal ang wika sa Broadsheet habang hindi pormal ang wika sa tabloid
  • Ang tabloid ay karaniwang binibili ng mga pangkaraniwang tao at nakasulat sa wikang higit nilang maunawaan\
  • Ang tabloid ang mas nakakaimpluwensiya sa nakararaming Pilipino
  • Ang pagbasa ng Tabloid ay nagsisilbing pampalipas oras lamang
  • Halimbawa ng tabloid ay Abante, Bulgar, Bandera, Remate, Hataw
  • Saklaw ng Broadsheet ang balitang internasyonal
  • Naglalaman ng seryosong pagbabalita ang broadsheet
  • Halimbawa ng broadhseet ay Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, The Manila Times, The Philippine Star
  • Ang tabloid ay naglalaman ng sensasyonal at litaw ang paggamit ng mga barayti ng wika
  • Ang headline sa tabloid ay nakasulat ng malaki at nagsusumigaw para makaagaw-pansin
  • Sa Social Media at Internet, Ingles ang pangunahing wika
  • Bata o matanda ay aktibo sa paggamit ng social media
  • Mabilis ang pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay ganoon din kabilis kumalat ang mga fake news at paggamit ng mga fake account
  • Wikang Filipino ang midyum na ginagamit kahit ang mga pamagat ay nakasulat sa banyaga
  • Ang Pilipinas ay kinikilalang Texting Capital of the World
  • Code switching ay ang pinaghalong Filipino at wikang Ingles na ginagamit para paikliin ang mensahe
  • Code switching ang paggamit ng jejemon
  • Ang Hugot Lines ay tinatawag ding love lines o love quotes
  • Hinggil sa pag-ibig ang Hugot lines na nagpapakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa'y nakakainis
  • Ang mga hugot lines ay makakakitaan ng kasiningan dahil sa malalim nitong hugot na kung minsa'y tagos sa puso
  • Ang hugot lines ay nakasulat sa wikang Filipino o Taglish
  • Pick up lines ay kinikilala ding makabagong bugtong ay mga tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas iugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay
  • Nagmula ang mga pick-up lines sa mga boladas ng mga binatang nanliligaw