4.2. Mga Katutubong Pangkat

Cards (28)

  • Ang pangkat Tboli ay naninirahan sa South Cotabato at Sultan Kudarat.
  • Kilala ang Tboli sa kanilang magaganda at makukulay na tradisyonal na kasuotan na hinabing tnalak.
  • Bahagi rin ng tradisyonal na kasuotan ng mga Tboli ay ang pagsusuot ng makukulay na kwintas.
  • Sa pangkat ng Tboli, maaaring mag-asawa ng marami ang mga lalaki, nagpapalagay naman ng tattoo o hakang ang mga babae.
  • Ang mga Maranao o Meranaw ay nakatira sa paligid ng lawa ng Lanao.
  • Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango ang kanilang pangalan.
  • Ang Marawi ay tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao.
  • Maranaw ang tawag sa wika ng mga Meranaw.
  • Ang wikang Maranaw ay nakikilala dahil sa matigas nitong tono at diin.
  • Maranaw ang kanilang gamit na wika sa kapwa Meranaw.
  • Ang mga Mangyan ay kumukuha ng ikinabubuhay sa kagubatan, pangisdaan, at kalakal sa Mindoro.
  • Ayon sa mga Yakan ng Basilan, noong 1970’s sa panahon ng Batas Militar, karamihan sa mga Yakan ay naninirahan sa malalayong bundok upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa mga kabayanan.
  • Pinatotohanan ito sa artikulo ni Gorlinski sa Britannica Encyclopedia kung saan sinabi niyang ang mga Yakan ay tinatawag na inland-dwelling agriculturists kung saan sila ang orihinal na tagatustos ng mga bigas sa mga Tausug at Sama na mga pangkat-etnikong naninirahan din sa probinsya ng Basilan at ilan pang mga kalapit na isla sa rehiyon.
  • Malaking bahagi ng kultura ng Mindanao ang mga Yakan dahil sa ambag nito gaya ng paghahabi at kanilang tradisyonal na kasuotan na Semmek.
  • Ang mga Yakan ay tinatawag noong mga “Yakan Puntukan” na nangangahulugang mga taong bundok.
  • Ang mga Mangyan ay nakatira sa liblib na pook ng Mindoro.
  • Ang mga Mangyan ay gumamit ng Sinaunang alpabeto sapagsulat ng mga pagpapantig.
  • Kaya naman nabanggit din ng mga Yakan na kilala din sa pagtatanim o pagsasaka kung saan ito na ang pangunahing hanapbuhay ng mga Yakan sa Basilan hanggang sa kasalukuyan.
  • Ang mga Bagobo ay maputi ang kutis at kulay mais ang kanilang buhok na may natural na kulot.
  • Ang mga Subanen ay naniniwala sila na sa iisang ninuno lang sila nagmula.
  • Ang Bayani, ang Mandirigma, at ang Pinuno ng mga ito ang Datu na na tumatayong huwes, nag-aayos ng gulo, at tagapagtanggol ng tribu.
  • Ang mga Subanen ay matatagpuan sa Rehiyon ng Zamboanga Peninsula at Probinsya ng Misamis Occidental at Misamis Oriental.
  • Ang salitang Subanon/Suban-un/Subanen ay nagmula sa salitang-ugat na suba na nangangahulugang ilog at ang hulaping nen/non/nun ay nagpapahiwatig ng lugar na pinanggalingan.
  • Ang mga Tausug ay matatagpuan sa Sulu at naniniwala na hindi dapat inuurungan ang kahit na anong laban dahil ito ay nakapagpapababa ng pagkatao.
  • Ang mga Bagobo ay matatagpuan sa mga baybaying gulpo ng Davao.
  • Ang mga Bagobo ay may tatlong pangkat na tradisyonal sa kanilang lipunan.
  • Ang mga Tausug ay kinikilala bilang People of the Current dahil naninirahan sila sa ibabaw ng dagat.
  • Ang ibig sabihin ng terminong Subanen ay isang tao o mga tao ng ilog o sa itaas na bahagi ng ilog o kabundukan.