Ang valyu ay tumutukoy sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin.
Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay ng kaparusahan at gatimpala.
Ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay madedetermina sa sistema ng pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura.
Ang di-verbal na komunikasyon ay refleksyon ng kultura at nagbibigay ng espesyal na kaibahan upang madaling makilala ang iba-ibang kultura.
May mga tunog at kombinasyon na ginagamit ang wika na siyang pagkakakilanlan ng ibang kultura.
Materyal na Kultura -mga bagay na nilikha at ginagamit ng tao.
Di-materyal na Kultura -binubuo ng mga norm, valyu, paniniwala, at wika.
Norms -tumutukoy sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan, nagpapaliwanag ito ng inuugali ng iba at nakatutulong din nang malaki para maunawaan ang mga ugaling ito.
Folkways -isang kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan ang magandang kapakanan ng isang pangkat.
Kung ang kultura raw ay sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan, ang beheybyur ng mga tao ang pangunahing sangkap/sahog sa semento.
Ang dahilan na ang mga sosyolohista ay gumagamit ng terminong folkways kaysa customs ay upang idiin na ang mga ito ang mga katanggap-tanggap na beheybyur ng tao sa isang lipunan.
Ang mores ay tumutukoy sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang at pinahahalagahan ng isang grupo ang pagsasabuhay sa mga pamantayang ito.
Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad.
Valyu -inaasahang mabubuting pag-uusali o dapat gawin/ikilos o ipakita.
Paniniwala -ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran at mundo, kabilang dito ang mga pamahiin.
Technicways -pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya.