Noon pa mang 1300 AD After Death), ang ating mga ninuno, nakilala sa katawagang Ita, Aetas, Negrito o Baluga ay may sarili ng mga karunungang-bayan, kabilang ang alamat.
Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan (bunga marahil ng kakauntian), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.
Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano.
Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha.
Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal.
Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kayat marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap. Ito ay ang Panahong Indones
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo.
Ang hinuha o inference ay sariling haka-haka at opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap. Ito'y maaaring magsisimula sa inyong sariling paniniwala at pagkakaunawa sa isang konteksto ng pangyayari.