Ang salitang siyensiya o science ay galing sa salitang Latin na scientia ibig sabihin ay karunungan
Ang likas na siyensiya ay pag-aaral ng mga penomemong likas sa mundo-sistematikong identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon, at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito
Ang likas na siyensiya ay tumutuon sa mga likas na penomeno o kalikasan.
Ang siyensiyang panlipunan ay tumutuon naman sa mga tao, umiiral ito dulot ng interbensiyon ng mga tao sa lipunan.
Ayon kay Karl Marx, darating ang panahon na magiging bahagi ng siyensiyang pantao ang likas na siyensiya. Gayundin, ang siyensiyang pantao ay magiging bahagi ng likas na siyensiya. Sa huli, magiging isang siyensiya na lamang sila.
Galing sa salitang Griyego na teknologia, na “sistematikong paggamit ng sining, binuong bagay (craft) o teknik”.
Techne (sining, kakayahan, craft); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
Teknolohiya. Ang praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya
Siyensiya - Maparami at mapalawak ang datos upang makabuo ng teorya
Sining – walang tiyak na layunin; ang likhang sining ang siya mismong obheto, ang paglikha upang muling makabuo ng isang ideya; emosyon ang nililikha ng sining
Teknolohiya at Siyensiya – tinutumbok ang pag-aral o pag-intindi
Ayon kay Elbert Hubbard, magagawa ng isang makina ang gawain ng sa ordinaryong tao. Walang makinang makagagawa ng isang ekstraordinaryo sa mundong ito
Biyolohiya – nakatuon sa mga bagay na buhay – ang estruktura, pinagmulan, ebolusyon, gamit, distribusyon, at paglawak ng mga ito
Kemistri – nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties, at mga reaksiyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito
Pisika – nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya, at matter. Mula ito sa Griyego na phusike o kaalaman sa kalikasan
Heolohiya – Sistema ng planetang daigdig sa kalawakan – klima, karagatan, planeta, bato, at iba pa
Astronomiya – pag-aaral ito ng mga bagay na selestiyal – mga Kometa, planeta, galaxy, bituin, at penomenang pangkalawakan
Information Technology (IT) – pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos, at pagpoproseso; mga operasyon ng mga software at kompyuter
Inhinyera – nakatuon sa aplikasyon ng mga prinsipiyong siyentipiko at matematiko upang mabuo ng disenyo, mapatakbo, at mapagana ang mga estruktura, makina, proseso, at Sistema
Arkitektura – proseso at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali at ipa pang pisikal na estruktura
Matematika – siyensiya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo, kantidad, at estruktura na ipinapahayag gamit ang mga simbolo
Aeronotics – teorya at praktis ng pagdidisenyo, pagtatayo, matematika, at mekaniks ng nabigasyon sa kalawakan
Ang metodong siyentipiko ay ginagamit na proseso sa pag-aaral at pananaliksik sa siyensiya
Introduksyon. Problema, motibo, layunin, background, at pangkalahatang pahayag. Bakit isinasagawa ang pag-aaral? Ano ang mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis?
Metodo. Mga modelo at panukat na gagamitin, ano, kailan, saan, paano, gagamitin ang material. Sino-sino ang sangkot?
Resulta. Ginagawang empirikal na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot, at iba pang graphic organizer
Analisis. Isinasagawang pag-aaral batay sa resulta
Diskusyon. At konklusyon ito ng isinasagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Ano ang maitutulong nito sa Lipunan sa hinaharap?
Ayon kay Karl Marx, darating ang panahon na magiging bahagi ng siyensiyang pantao ang likas na siyensiya. Gayundin, ang siyensiyang pantao ay magiging bahagi ng likas na siyensiya. Sa huli, magiging isang siyensiya na lamang sila.
Ang likas na siyensiya ay tumutuon sa mga likas na penomeno o kalikasan.
Ang siyensiyang panlipunan ay tumutuon naman sa mga tao, umiiral ito dulot ng interbensiyon ng mga tao sa lipunan