Karapatang Pantao

Cards (12)

  • Karapatang Pantao ang tawag sa mga batayang karapatan, prinsipyo, o kaasalan ayon sa mabuting pamantayan ng pagganap ng isang tao; mga karapatang legal o ayon sa batas ng bansa at ng pandaigdigang komunidad.
  • Batay sa dokumento ng Inter-Parliamentary Union (IPU) at United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR), ang karapatang pantao ay naiuugnay sa lahat ng aspekto ng buhay.
  • Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), ang karapatang pantao ay tuwirang maiuugnay sa konsepto ng hustisya, integridad at dignidad ng isang indibidwal.
  • Universal Declaration of Human Rights - ang pandaigdigang dokumento na nabuo nooong 1948 at nagtatakda ng pangkalahatang mga pamantayan ng mga karapatan at kalayaan na dapat tamasahin ng bawat tao saanmang lupalop ng mundo.
  • Karapatang Likas - Ito ay tumutukoy sa mga karapatang payak na taglay ng bawat tao mula pa sa sinapupunan ng ina.
  • Karapatang Konstitusyonal Ito ay tumutukoy sa mga karapatang nakapaloob sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas at tuwirang naisulat sa Ikatlong Artikulo o Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights).
  • Maaari lang itong baguhin sa pamamagitan ng: (1) Constituent Assembly, o kung ito ay napagbotohan ng 3/4 na boto sa Kongreso; (2) Constitutional Convention, kung saan magtatawag ng mga eksperto (hindi kongresista) ang Kongreso sa pamamagitan ng kanilang 2/3 na boto; at (3) People's Initiative, kung saan puwedeng magpetisyon ang kahit 12% ng kabuoang bilang ng mga rehistradong botanteng mamamayan at bawat lehislatibong distrito ay dapat katawanin ang 12% ng mga rehistradong botante.
  • Bill of Rights - ito ay sumasaklaw sa mga karapatang pampolitika, sibil, panlipunan, at pangkabuhayan.
  • Informal Settlements -
    pag-abandona sa mga magulang na matatanda na, sapilitang -mga lugar kung saan nangyayari ang hindi awtorisadong pagpapatayo ng kabahayan (Unauthorized housing)
  • Diskriminasyon:
    • Hindi pagtanggap sa katauhan ng iba o pagpapamalas ng hindi makatarungang pagtrato, pang-aapi, panliligalig, o pananakot sa kapuwa-tao
  • Simula 1950s, unti-unting nagbago ang konsepto ng kasarian at halos walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex at gender
  • Sa kasalukuyan, mayroon nang pagpapakahulugan na inilalahad din ng World Health Organization (WHO):
    • Sex: tumutukoy sa katangiang pisikal o biyolohikal o ang pagkakaiba sa ta artan ng mga lalaki at babae
    • Gender: tumutukoy sa katangiang sikolohikal o pagkilos na kadalasan ay impluwensiye ng kultura o lipunang ginagalawan