KARAPATANG PANTAO

Cards (41)

  • Ang karapatang pantao ay batay sa pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay at kalayaan ng bawat isa.
  • Batay sa konseptong ito ni Marcus Tullius Cicero , ang mga karapatan ng tao ay hindi nakadepende sa anumang batas o kasunduan na maaaring bawiin o alisin.
  • Ayon kay John Locke, ang tao ay likas na malaya at pantay-pantay.
  • Ipinaliwanag ni John Locke ang konsepto niya tungkol sa karapatang pantao sa aklat " Two Treatises of Government" (1689)
  • Kaya ayon kay Thomas Hobbes, isa ring pilosopong Ingles noong ika-17 siglo, dapat na limitahan ang mga karapatang likas batay sa kasunduan o social contract ng mga mamamayan at ng mga namumuno o sovereign. Sa ganitong kasunduan, isusuko ng tao ang mga karapatan niya kapalit ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.
  • Ipinaliwanag ni Hobbes ang konsepto niya sa kanyang aklat na "Leviathan"
  • Nilalaman nito ang ilang pahayag sa pagpayag ni Cyrus na makabalik ang ilang Hudyo sa kanilang lupain at mabigyan ng kalayaan sa paniniwala at relihiyon. Gayundin, idineklara sa artepaktong ito ang pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang lahi.
    -Cyrus Cylinder (539 BC)
  • Nilalaman nito ang iba’t ibang karapatan, pribilehiyo, at responsabilidad ng mga mamamayan ng Imperyong Romano tulad ng tamang paglilitis sa hukuman, pagbabayad ng utang, karapatan ng ama sa kanyang pamilya, at pagmamay-ari ng lupain at kagamitan.
    - Law of the Twelve Tables (450 BC)
  • Writ of habeas corpus – Ito ay isang batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa hindi makatarungang pagpipiit sa isang indibidwal. Isinasaad dito na dapat na ihatid ang isang nabilanggo sa korte at magpakita ng sapat at kaukulang dahilan upang panatilihin sa kulungan ang indibidwal. Ang salitang habeas corpus ay mula sa wikang Latin na ang kahulugan ay “produce the body” o “ihayag ang katawan”
  • Noong ika-23 ng Setyembre 1972, inanunsiyo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagsasailalim ng buong Pilipinas sa batas militar (Proklamasyon blg. 1081).
  • Nasuspende ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus noong 2017 sa Mindanao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang muling deklarasyon ng batas militar (Proklamasyon blg. 216)
  • First Geneva Convention (1864) - saan napagkasunduan ang makataong pagsasaalang-alang at paggamot ng mga sugatan at nahuling sundalo at sibilyan sa panahon ng digmaan. Napagkasunduan sa kumbensiyon na ito na ang mga karapatang pantao ay hindi dapat isantabi sa kabila ng digmaan.
  • Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789)- nagsasaad ng mga karapatan ng mga mamamayan at hango sa mga prinsipyong ipinaglaban sa Rebolusyong Pranses. Bahagi nito ang pagbibigay ng karapatan sa kalalakihan na bumoto at mamili ng kanilang mga kinatawan sa parlamento
  • Mga uri ng karapatang pantao:
    • Karapatang sibil
    • karapatang pampolitika
    • karapatang panlipunan
  • Ang karapatang sibil ay mga karapatan na tumutukoy sa buhay, kalayaan, at seguridad ng bawat tao. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga tao laban sa pagkitil ng buhay, paglimita ng kalayaan, hindi pantay na pagkilala, at iba pa.
  • Ang karapatang pampolitika ay mga karapatan ng tao na makibahagi sa gawaing pampolitika tulad ng pagboto, pamamahayag, malayang pagsasalita, at pagtitipon-tipon. Ito ay nakaangkla sa konsepto ng pagiging mamamayan ng isang tao sa isang bansa. Maaari ding limitado ang ilan sa mga karapatang ito.
  • Ang karapatang pang-ekonomiya at panlipunan naman ay mga karapatan na nagbibigay-daan sa pagpapaunlad ng buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng mga tao.
  • Prinsipyo ng karapatang pantao:
    • Universality at Inaliendability
    • Indivisibility
    • Interdependence at Interrelatedness
    • Equality at Non-Discrimination
    • Participation at Inclusion
    • Accountability at Rule of Law
  • Universality at Inalienability - ang mga karapatang pantao ay panglahat at hindi maaaring mawala o mabawasan kahit na saan o sa ilalim ng anumang sitwasyon.
  • Indivisibility – Ang lahat ng karapatang pantao ay may pantay na katayuan at hindi lubos na matatamasa ang isa nang wala ang iba. Ang pag-iisantabi sa isang karapatan ay pagpigil na makamit ang iba pang mga karapatan.
  • Indivisibility – Ang lahat ng karapatang pantao ay may pantay na katayuan at hindi lubos na matatamasa ang isa nang wala ang iba. Ang pag-iisantabi sa isang karapatan ay pagpigil na makamit ang iba pang mga karapatan
  • Equality at Non-discrimination – Ang lahat ng mga indibidwal ay pantay-pantay bilang tao at may pantay-pantay rin na karapatan.
  • Participation at Inclusion – Ang lahat ng tao ay may karapatang lumahok at makakuha ng mga impormasyon na may kinalaman sa paggawa ng desisyon na nakaaapekto sa kanyang buhay at proseso ng pangkalahatang kagalingan.
  • Accountability at Rule of Law – Pananagutan ng estado at mga namumuno nito ang pagtatanggol sa karapatang pantao ng mga mamamayan
  • Upang magkaroon ng pandaigdigang pagkilala sa mga karapatang pantao, nagkasundo ang mga bansang kasapi ng UN na gawing pormal ang pagkilala sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng pagbalangkas sa UDHR noong Disyembre 1948 sa Paris, Pransiya.
  • Ang UDHR o Universal Declaration of Human Rights ay isa sa pinakamahahalagang dokumento ng pandaigdigang pagkilala sa mga karapatang pantao. Ito ang unang kodigo o katipunan ng mga karapatan na may pandaigdigang pagtalima
  • Nilagdaan ng miyembro ng UN ang UDHR sa Palais de Chaillot, Paris, France
  • Ang UDHR ay bahagi rin ng mga pandaigdigang batas o international laws na dapat sundin ng mga bansa.
  • Pandaigdigang batas – Ito ay tumutukoy sa mga deklarasyon, kasunduan, at obligasyon na tinatalima ng isang bansa batay sa napagkasunduan kasama ang iba pang bansa.
  • "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” (Batas Republika blg. 7610), o mas kilala bilang “Law Against Child Abuse,” ay nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng mga kabataan na may edad 18 taon pababa mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso, tulad ng pisikal na pananakit, emosyonal at mental na pang-aabuso, seksuwal na pang-aabuso, pagpapabaya ng mga magulang, at child tracking at prostitusyon
  • “Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child” (Batas Republika blg. 9231) na nagbibigay-proteksiyon sa mga kabataan mula sa pang-aabuso sa paghahanapbuhay.
  • “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” (Batas Republika blg. 9344) na nagtatakda ng edad na lehitimong nagkasala at makukulong ang isang kabataan, at ng proseso na maaaring pagdaanan ng mga batang nasasakdal.
  • “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” (Batas Republika blg. 9262) na nagbibigay-proteksiyon sa domestikong pang-aabuso sa kababaihan at kanilang mga batang anak.
  • “Magna Carta for Disabled Persons” (Batas Republika blg. 7277) na nagbibigay ng garantiya sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan, tulad ng espesyal na proteksiyon mula sa pang-aabuso at diskriminasyon.
  • “Migrant Workers Act of 1995” (Batas Republika blg. 8024) na nagtatatag ng mga polisiya at nagsasaad ng nararapat na proteksiyon para sa mga OFW at kanilang mga pamilya sa ibang bansa.
  • “Indigenous Peoples' Rights Act of 1997” (Batas Republika blg. 8371) na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng mga pangkat etniko sa pagmamay-ari ng kanilang mga minanang lupain.
  • “Expanded Senior Citizens Act of 2010” (Batas Republika blg. 9994) na nagbibigay-proteksiyon at dagdag na pribilehiyo sa mga senior citizen.
  • “An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines” (Batas Republika blg. 9346) na nag-aalis sa parusang kamatayan sa anumang pamamaraan sa bansa bilang pagtugon sa kasunduan na pinirmahan ng Pilipinas at ng iba pang bansa na naaayon sa pangunahing karapatan ng tao na mabuhay.
  • “Anti-torture Act of 2009” (Batas Republika blg. 9745) na nagbabawal sa anumang uri (pisikal, mental, o emosyonal) ng pagpapahirap o torture.
  • “Data Privacy Act of 2012” (Batas Republika blg. 10173) na nagbibigay-proteksiyon sa mga sensitibong dokumento mula sa hindi makatuwirang paghalughog at ng pagpapalabas ng pribadong datos at impormasyon.