WLK

Cards (425)

  • Galileo S. Zafra et al. at SWF – UP Diliman
  • Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa alinmang paraan - grapiko, elektriko, o mekanikal nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.
  • The National Library of the Philippines, CIP Data
  • Recommended entry: Gabay sa ispeling / Galileo S. Zafra, tagapamahala ng proyekto; Roberto T Añonuevo ... [et al.], mga kasama sa proyekto ; Virgilio S. Almario... [et al.], mga kasangguni. -- Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, Unibersidad ng Pilipinas, c2008.
  • Deborah M. Devora, Cristy M. Salvador, Angeli Mae G Taganahan, produksiyon
  • Simula noong dekada sitenta, may tatlong pagsisikap na para baguhin ang alpabeto ng pambansang wika. Layunin ng mga pagbabagong ito na iangkop ang wika sa mga bagong tungkuling iniaatang sa pambansang wika at tumugon sa mga pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang Filipino.
  • Sinimulan ang serye ng mga pagbabago sa alpabetong Filipino noong 1976 sa pamamagitan ng Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino ng Surian ng Wikang Pambansa.
  • Mula sa 20 letrang abakada ng wikang Tagalog, ang alpabeto ay naging 31 letra. Idinagdag sa dáting abakada ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, II, ñ, q, rr, v, x, z.
  • Dahil sa dami ng mga letra, binansagan ang 1976 alpabeto na "pinagyamang alpabeto."
  • Muling binago ang alpabeto noong 1987 nang ilathala ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling.
  • Mga Sanggunian
  • Simula noong dekada sitenta, may tatlong pagsisikap na para baguhin ang alpabeto ng pambansang wika
    Layunin ng mga pagbabagong ito na iangkop ang wika sa mga bagong tungkuling iniaatang sa pambansang wika at tumugon sa mga pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang Filipino
  • Sinimulan ang serye ng mga pagbabago sa alpabetong Filipino
    1976
  • Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino

    Idinagdag sa dáting abakada ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, II, ñ, q, rr, v, x, z
  • Muling binago ang alpabeto
    1987
  • Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
    Tinanggal sa dati ang mga digrapo o kambal-katinig na ch, ll, rr
  • Pinakabago sa mga rebisyong ito ay ang Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Komisyon sa Wikang Filipino
    2001
  • May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas
  • Ang binago ay ang mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto noong 1976
  • Mahalagang talakayin ngayon kung bakit nga ba kailangang ipasok ang mga dagdag na letra sa alpabeto ng pambansang wika, at kung bakit naging napakasalimuot ang dati'y simpleng pagbabaybay hábang ginagamit ang ating abakada ayon sa tuntuning "Kung ano ang bigkas ay siyang baybay."
  • Ang sagot ay nása mga dokumentong lakip ng 1976 Tuntunin
  • Pagkatapos ng isang masusing pag-aaral, isinagawa ng noo'y Surian ng Wikang Pambansa ang unang hakbang túngo sa pagreporma ng ispeling sa pamamagitan ng isang kapasiyahan na pinamagatang "Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambansa"
    Ipinaliliwanag nito na ang alpabetong Filipino na noo'y may 20 letra ay nakapagpapabagal sa kakayahan ng pambansang wika na makaabot sa tugatog ng pag-unlad at paglaganap
  • Bilang pagtugon sa mabilis na pagdebelop at mga pagbabago sa wikang Filipino, gaya ng ipinakikita ng pagdagsa ng mga linggwistikong elemento mula sa iba't ibang umiimpluwensiyang wika, katutubo at banyaga, at upang iangkop iyon sa mga pangangailangan ng modernisasyon, nagpakilala ang Surian ng Wikang Pambansa ng ilang pagbabago sa mga ortograpikong tuntunin sa Filipino
  • Ang pagbabago sa mga alpabeto at sa mga tuntunin sa paggamit nito ay bunsod ng pagpapaunlad at pagpapalaganap ng pambansang wika
  • Ang modernisasyon ng wika ay nangangahulugan ng pagreporma nito para umangkop sa mga bagong tungkulin na iniaatang sa wika
  • Sa akademya, ang modernisasyong ito ay katumbas ng mas masiglang paggamit ng pambansang wika sa mga akademikong larangan na dati rati'y Ingles lámang ang ginagamit
  • Nakatulong ang kilusang makabayan para muling iguhit ang hanggahan ng paggagamitan ng Pilipino
  • Ang unang rebisyon sa alpabeto ay ginawa noong 1976, ilang taos pa lámang ang nakalilipas nang ang wikang Pilipino ay ginamit ng mga makabayang manunulat, guro, at mag-aaral para isulong ang pagbabago ng lipunan
  • Sa UP halimbawa, mas maaga pa sa 1972 ay nag-eksperimento na sa paggamit ng Pilipino hindi lámang sa mga kurso sa arte at humanidades, at sa agham panlipunan, kundi maging sa siyensiya at matematika
  • Nagpatuloy ang pagsulong ng Filipino hanggang dekada 80 nang pormal na kilalanin ang wikang Filipino bilang pambansang wika
  • Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
  • Noong 1989, ipinatupad sa UP ang isang patakarang pangwika. Itinakda nito na "Filipino ang magiging midyum ng pagtuturo sa Unibersidad sa di-gradwadong antas sa loob ng isang rasonableng takdang panahon o panahon ng transisyon"
  • Maraming klase sa UP sa iba't ibang disiplina ang itinuturo sa Filipino. Marami na ring nadevelop na teksbuk sa iba't ibang larang na pawang nakasulat sa Filipino
  • Maging sa CHED GE Curriculum, isa sa tatlong required na sabjek sa Filipino ay ang Filipino 2: Filipino sa Iba't Ibang Disiplina
  • Ang rebisyon ng alpabeto at mga tuntunin sa paggamit nito ay mahalagang sipatin sa konteksto ng pagpapalaganap ng wika sa iba't ibang larang ng ating buhay lalo sa akademya
  • Ang pagreporma sa alpabeto ay isa sa kinakailangang mga hakbang kung sadyang mithiin nating máratíng ng Filipino ang tugatog nito bílang wikang panturo at wikang pambansa
  • Ang pagbabago ng alpabeto ay dapat lang samáhan ng angkop na rebisyon sa mga tuntunin sa paggamit ng alpabetong ito
  • Sentral sa mga pagbabagong ito ang nauukol sa paggamit ng walong dagdag na letra, ang pinakamatingkad na manipestasyon ng modernisasyon at intelektuwalisasyon ng Filipino, bagaman, siya ring ugat ng maraming kalituhan at debateng pangwika
  • Ang 1976 Tuntunin, ang 1987 Patnubay, at 2001 Revisyon ay dapat na tingnan bílang patuloy na pagsisikap na ayusin at pinuhin, gawing kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap ang mga gabay sa pagbabaybay lalo na ang nauukol sa walong dagdag na letra
  • Sa 1976 Tuntunin at 1987 Patnubay, nililimitahan ang paggamit ng mga dagdag na letra sa pagbabaybay ng mga (1) katutubong salita mula sa iba't ibang wika sa Filipinas, (2) salitang pang-agham at teknikal, (3) mga simbolong pang-agham, (4) mga salitang Ingles at iba pang banyagang wika na makabubuting pansamantalang hiramin sa orihinal na anyo tulad sa kaso ng mga salitang malayo na ang ispeling sakali't baybayin ayon sa alpabetong Filipino