Arpan

Cards (56)

  • Kapag nakamit ng indibidwal at naprotektahan ng pamahalaan ang mga karapatang pantao, nagdudulot ito ng pag-unlad ng bawat isa at pag-unlad ng bansa. Ang mataas na antas ng pagpapahalaga sa karapatang pantao ay nagbubunga ng mamamayang produktibo na nagpapataas ng antas ng mga kaakibat a salik sa human development index tulad ng haba ng buhay, edukasyon, at kita ng bawat mamamayan.
  • "The candle burns not for us, but for all those whom we faled to rescue from prison, who were shot Can kay: On the way to prison, who were tortured, who were kidhapped, who disappeared. That's what the candle is for”.
    Pater Benenson, Founder, Amnesty International
  • Ang karapatang pantao ay mga benepisong dapat tamasahin ng sang indibidwal
    Ito ay karapatan ng lahat, indibidwal man o pangkat. Nagmula ito sa salitang Latin na ius na ang kahulugan ay nararapat sa indibidwal o tao.' Ang ius ay salitang-ugat ng hustisya o justitia na naibibigay ang katarungan kapag natanggap ng isang tao ang nararapat sa kanya at ito ay iginagalang ng lahat.
  • Batay sa Pangangailangan
    Ang mga karapatang pantaong batay sa pangangailangan ay ang mga karapatang panlipunan at ekonomiko, Ito ang uri ng karapatang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga pangangailangang materyal na makakamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkakataon at yaman gaya ng kalusugan, pagpapabuting kondisyong panlipunan, at pagkakamit ng mapagpalayang karapatan.
  • Batay sa Kalayaan Ang mga karapatang nakabatay sa kalayaan ay ang mga kalayaang sibil at politikal. Kabilang dito ang mga kalayaang panlipunan at pagkakapantay-pantay gaya ng karapatan sa pantay na edukason at oportunidad na nakatutulong sa tao upang paunlarin ang buhay at pamumuhay, sinuman at anuman ang kanyang kasarian, lahing pinagmulan, relihivon, kapansanan, at iba pa.
  • Karapatang Sibil, at Politikal
    Ang uring ito ay mababakas sa panahon ng mga rebolusyong Ingles, Amerikano, at Pranses noong ika-17 siglo. Ipinaglaban ng mga Ingles ang karapatan sa relihiyon
    at pagtatatag ng komunidad na malaya sa Parlamento. Ang mga Amerikano naman ay lumaban upang ipagtanggol ang karapatang magtatag ng sariling pamahalaang nagbigay-sigla sa mga Pranses upang ipaglaban ang sarili laban sa pang-aapi.
  • Itinuturing na negatibong karapatang pantao ang yugtong ito dahil ginamit ang mg. salitang "Kalayaan laban sa" sa halip na "ang karapatan sa." Sa yugtong ito, limitado ang kontrol o impluwensiya ng gobyerno. Ang halimbawa ay ang kalayaan sa walang pakundangang pag-aresto, pagpapakulong, pagpapahirap (torture), diskriminasyon, malayang pagtipon-tipon, asosasyon, at iba
  • Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng mga karapatang pantao ay ukol sa mga karapatang ekonomiko, panlipunan, at pangkulturang maiuugnay sa rebolusyon ng ika-20 siglo sa ilalim ng mga ideolohiyang Marxismo at sosyalisme.
  • Ang ikalawang yugto ay nangangailangan ng proteksiyon at pakikisangkot ng pamahalaan.
  • Sa mga karapatang batay sa pangangailangan, dito, sa halip na "kalayaan laban sa" ginamit ang mga salitang "karapatan sa."
  • Ang karapatan sa seguridad, karapatal magtrabaho, proteksiyon laban sa kawalan ng trabaho, karapatang mamahinga, maglibang, at iba pa. ay mababasa sa Artikulo 22 hanggang 27 ng Universa Declaration of Human Rights.
  • Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng mga karapatang pantao ay ukol sa mga karapatang ekonomiko, panlipunan, at pangkulturang maiuugnay sa rebolusyon ng ika-20 siglo sa ilalim ng mga ideolohiyang Marxismo at sosyalismo.
  • Ang ikalawang yugto ay nangangailangan ng proteksiyon at pakikisangkot ng pamahalaan.
  • Sa mga karapatang batay sa pangangailangan, dito, sa halip na "kalayaan laban sa" ginamit ang mga salitang "karapatan sa."
  • Ang karapatan sa seguridad, karapatang magtrabaho, proteksiyon laban sa kawalan ng trabaho, karapatang mamahinga, maglibang, at iba pa. ay mababasa sa Artikulo 22 hanggang 27 ng Universa Declaration of Human Rights.
  • Karapatan sa Pagkakaisa
    Ang karapatan sa pagkakaisa o solidarity ang huling yugto sa pagkabuo ng mga karapatang pantao. Nagmula ito sa mga pinahalagahan ng unang dalawang yugto at nakaugat sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mababasa ang mga ito sa Artikulo 28 ng Universal Declaration of Human Rights na nagsasaad na ang bawat isa ay may karapatan sa isang kaayusang panlipunan at pandagdigang magbubunga sa pagkamit ng karapatan sa pagkakaisa.
  • Karapatan sa Dignidad ng Tao
    Ang mga karapatang pantao bilang uri ng benepisyo na nagsusulong at
    nagpoprotekta sa dignidad ng tao ay hindi lamang ukol sa kung ano ang tama ayon sa batas kundi gayundin sa kung ano ang moral at makatarungan sa ugnayan ng mga tao. Sa kabuoan, ito ay nagbubunga ng karapatang mabuhay para sa lahat.
    1. Sibil at Politikal
    Ito ang uri ng karapatan na nangangalaga sa katayuan ng isang tao bilang isang mamamayan ng bansa. Kasama sa karapatan na ito ang karapatang mabuhay, bumoto, magpahayag ng mga saloobin, magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas, magkaroon ng pangalan at identity o pagkakakilanian, magtamasa ng malayang paglalakbay, karapatan laban sa pagpapahirap ng mga pulis kung inaakusahan ng krimen at ang pagkakaroon ng patas na proseso sa ilalim ng batas.
    1. Ekonomik, Sosyal, at KulturalIto Ito ang, uri ng karapatan na nagtataguyod ng kapakanan bilang isang tao. Sakop nito ang karapatan sa edukasyon, pagkain, malinis na tubig, kalusugan, maayos na pabahay, seguridad sa trabaho, pagpapanatili at pagpapayaman ng pamanang kultura tulad'ng mga kanta at sayaw at ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran. Ito ang uri ng karapatan na siyang nagbibigay ng dignidad sa isang mamamayan ng isang bansa.
    1. Pagkakapantay-pantayAng pagpapakahulugan na may pagkakapantay-pantay ang mga mayaman, mahirap, matalino o hindi, nakapag-aral o hindi, babae o lalaki o yaong iba ang kasarian, at yaong may iba't ibang relihiyon o paniniwala.
    1. kolektibo -. Ang uri ng karapatan a dapat matamasa ng isang komunidad. Kasama rito ang self-determination tulad ng kalayaan sa pagpaplano kung saan papunta ang isang pamayanan at ang pagkakaroon ng malayang parpapaunlad sa pamayanan.
  • Ang mga bata ay isa sa madalas na biktima ng paglabag sa karapatang pantao dahil madali silang maloko, masaktan, o masugatan.
  • Upang mabigyan sila ng proteksiyon, ginawa ng United Nations noong 1982 ang Convention on the Rights of the Child at ang United Nations Children's Emergency Fund (UNICEF), ang pangunahing ahensiyang tumitingin sa kondison ng mga bata sa lahat ng dako ng daigdig.
  • Ang pangunahing gawain ng Convention ay ang pagtulong sa mga bansa upang magkaroon ng tamang pangangalagang pangkalusugan, outrison, edukason, at iba pang pangunahing serbisyo ng mga bata.
  • Ang mga karapatang pambata ay nakabatay sa Declaration of the Rights of the Child na nagtatakda ng proteksiyon, oportunidad, at pasilidad na dapat maibigay sa mga bata upang lumaki silang malusog at normal.
  • Ang mga kabataan, sa tingin ng Convention, ay mahalagang bahagi ng komunidad at lipunan.
  • Sa ilalim ng Convention, ang mga bata ay may karapatang magkaroon ng pangalan at pagkamamamayan, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, pahinga at pana-hon para maglaro.
  • Dapat silang ipagtanggol sa lahat ng panganib at abuso kasama ña ang pagsali sa digmaan.
  • Ang sumusunod ay mga tiyak na karapatan ng. mga bata na naaavon sa International
    Covenant,on the Rights of the Child, Child and Youth Welfare Code, at Republic Act Ne
    7610 o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination and for Other Purposes. Ang mga karapatang ito ay magsisilbing karagdagang batayan upang mabantayan ang karapatan ng mga bata.
  • Ang kalagayan ng karapatan ng kababaihan ngayon ay resulta ng mga pagbabago sa pagtrato sa mga baba.
  • Sa United Nations Charter ng 1945, mayroon nang pangako he pantay na karapatan ng kalalakihan at kababalhan.
  • Noong 1952, itinakda ang unang batas ukol sa karapatan ng kababaihan, ang Convention on the Women, na nagbibigay sa kababaihan ng karapatang.
  • Kapantay ng kalalakihan sa pagboto at para iboto sa posisyong pampubliko.
  • Nagpatuloy ang pagtutok sa kalagayan ng kababaihan sa 1957 Convention on the Nationality of Married Women na nagsasaad na ang pagka-mamamayan ng babe ay hindi puwedeng kagyat.
  • Ina baguhin dahil lamang sa pag-aasawa.
  • Hindi puwedeng pilitin a magpakasal ang baba bago umabot sa legal na gulang.
  • May karapatan din silang magkaroon ng ari-arian tulad ng mga lalaki batay sa Declaration on the Elimination of Discrimination Against Women.
  • Ginagarantiyahang libibigay ang pantay na karapatan sa harap ng batas na lalong pinatibay sa ilalim ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women noong 1979.
  • Sa ilang bahagi ng Pilipinas, may mga ordinansang binuo upang ipagtanggol ang mga babe laban sa pang-aabuso. Halimbawa ay ang ordinansa ng: Quezon City Gender and Development Division na nagbabawal sa sexual harassment o pambabastos nang may seksuwal a kahulugan. Ang ordinansa ay tinawag na Anti-Catcalling at inihain n Konsehal Lena Mari Juico sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Herbert Bautista. Naging ordinansa ito noong Mayo 16, 2016 matapos lagdaan ng konseho at ng meyor.
  • Ang 4Rs ng kampanya ay ang sumusunod:
    Realize - alamin ang karapatan bilang babe
    Respond - kapag hindi delikado, sabihin sa nang-aabuso na nasasaktan ka sa ginagawa niya. Kapag nakakita ng ganitong insidente, isuplong ito.
    Report -isuplong sa awtoridad ang anumang uri ng sexual harassment o pambabastos pasalita man o aksiyon
    Reform -baguhin ang kultura ng pagwawalambahala sa sexual harassment