FILIPINO WALANG HANGGANG DIGMAAN

Cards (39)

  • Alejandro G. Abadilla - isang batikang mananaysay
  • essais - Nangangahulugan itong pagtatangka na marahil mula sa mga pagtatangkang mailahad ang ideya sa pasulat
    na paraan sa pamamagitan ng pagsailalim sa iba‟t ibang yugto ng pagsulat.
  • Michel de Montaigne - ang pagsulat ng isang sanaysay ay isang paraan upang maipahayag ang personal na karanasan, damdamin, at kuro-kuro o palagay.
  • sanaysay - isang uri ng panitikang naglalahad sa anyong tuluyan.
  • 1580 - nailathala na pamagat ng koleksiyon ng kaniyang mga sulatin na batay sa mga personal na karanasan, damdamin, at kuro-kuro na
  • sanaysay - isang uri ng panitikang tuluyan na naglalahad ng pananaw ng manunulat.
  • Pormal na Sanaysay - Masusing pinag-aralan ang paksa ng isang
    pormal na sanaysay.
  • Impormal na Sanaysay - Higit namang magaan ang paglalahad ng
    isang impormal na sanaysay na layuning mailapit sa mambabasa ang paksa.
  • Pormal at Impormal - Uri ng batayan sa paraan ng paglalahad ng ideya at paksa
  • Tema at Nilalaman - Tumutukoy ito sa paksang tinatalakay ng sanaysay at ang kabuuang daloy at pagkakaugnay ng ideya nito.
  • Anyo at Estruktura - Binibigyang-diin nito ang pagkakabuo ng sanaysay para sa maayos at mabilis na pag-unawa ng mga mambabasa.
  • Wika at Estilo - Nakatuon sa manunulat ang kakayahan sa pagpili at paggamit ng salita upang maipahayag ang ideya na nagiging tatak ng kaniyang estilo ng pagsulat.
  • Tema at Nilalaman, Anyo at Estruktura, Wika at Estilo - Sangkap ng sanaysay
  • Panimula, Katawan, Wakas - Bumubuo ng sanaysay
  • Wakas - Nag-iiwan ng mahahalagang ideya, hamon, rekomendasyon at maaari ring mas marami pang katanungan sa mambabasa kaugnay sa paksa
  • Katawan - Nililinang sa bahaging ito ang pagtalakay sa paksa batay sa layunin ng manunulat.
  • Panimula - Ito ang naglalahad sa paksang tatalakayin ng sanaysay.
  • Pagsasalaysay, Palarawan, Panghihikayat, Eksposisyon, Argumentasyon 0 Layunin ng sanayasay
  • Pagsasalaysay - Naglalayong makapagpahayag ng sunod-sunod na pangyayari.
  • Palarawan - Pagtukoy sa mga katangian ng paksa batay sa nakita, nadama o naranasan upang makabuo ng biswal na konsepto ang mga mambabasa.
  • Panghihikayat - Nilalayon nitong sumang-ayon ang mambabasa at tanggapin ang pananaw ng manunulat.
  • Eksposisyon - Sulating nagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang paksa na maaaring pangyayari, opinyon, at mga kaisipan.
  • Argumentasyon - Layunin nitong ipaliwanag ang kaisipan, paniniwala, o kuro-kuro na pinagtitibay ng mga pansuportang detalye.
  • kahulugang kontekstuwal - kahulugang hindi lantad, hindi direkta, o kahulugang batay sa kabuuang pangungusap ng isang salita o parirala.
  • Introduksiyon – Ito ang bahaging maghahanda sa mga tagapakinig sa nilalaman ng talumpati.
  • Diskusyon o Katawan – Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang talumpati. Tinatalakay dito ang mahahalagang kaisipang nais ibahagi sa mga tagapakinig.
  • Katapusan o Kongklusyon – Sa bahaging ito ay nilalagom ang talumpati sa pamamamagitan ng pagbibigay ng matitibay na paliwanag at katuwiran bilang suporta sa mga argumentong inilahad.
  • Haba ng talumpati – Tumutukoy sa panahong ilalaan o gugugulin sa pagbigkas ng talumpati.
  • Introduksiyon, Diskusyon o Katawan, Katapusan o Kongklusyon, Haba ng talumpati - kasanayan sa paghahabi ng mga bahagi ng talumpati
  • Pambungad, Paglalahad, Paninindigan, Pamimitawanan - estruktura ng sanaysay
  • Pambungad – Katulad sa introduksiyon, sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.
  • Paglalahad – Ito ang katawan ng talumpati. Dito rin inilalahad at ipinaliliwanag ang isyu at ang mga detalyeng kaugnay nito na magiging batayan ng paninindigan.
  • Paninindigan – Sa bahaging ito ipinahahayag ang ideya at pananaw
    ng mananalumpati kaugnay sa isyung tinatalakay. Binibigyang-diin
    nito ang pangangatuwiran ng tagapaglahad at ang mga datos o
    impormasyong magpapatibay sa kaniyang inilahad.
  • Pamimitawanan – Dito tinatapos ng naglalahad ang kaniyang talumpati. Mahalagang maging masining at mag- iwan ng kakintalan sa mga tagapakinig.
  • Tindig – Dito masusuri ang pagkatao at kahandaan ng isang mananalumpati.
  • Tinig – Ang susi sa mabisang paglalahad ay ang pagbabago-bago ng tinig na angkop sa ideya ng ipinahahayag.
  • Mukha – Maliban sa angkop na ekspresyon ng mukha sa ideyang inilalahad, bahagi nito ang pagtingin sa mata o mukha ng madla upang maramdaman nilang kinakausap sila ng nagtatalumpati.
  • Pagkumpas – Binibigyang-diin ng pagkumpas ang ideyang nais iparating ng nagtatalumpati gamit ang mga kamay at braso.
  • pagtatalumpati - maituturing na pagbibigay-buhay sa isang
    sanaysay–ang paglalahad ng mga nakasulat na ideya, damdamin o
    pananaw sa harap ng madla.