Ayon naman kay Maria Ramos, “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, atguniguni ng mga mamamayan na nasusulat at binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining namga pahayag.” Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan.