FIL102

Cards (35)

  • Teoryang Klasismo
    Maglahad ng pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan
  • Teoryang Humanismo
    Ang layunin nito ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo
  • Teoryang Imahismo
    Ang layunin nito ay gumamit ng mga imahe na maghahayag ng damdamin, kaisipan, at ideya na nais ibahagi ng may-akda kesa gumamit ng simpleng salita.
  • Teoryang Realismo
    Ang layunin nito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
  • Teoryang Feminismo
    Ang layunin nito ay ipakita ang kalakasan at kakayahan ng mga babae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan.
  • Teoryang Arkitaypal
    Ang layunin nito ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
  • Teoryang Formalismo
    Ang layunin nito ay iparating sa mambabasa ang nais niya ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
  • TEORYANG SAYKOLOHIKAL
    Ang layunin nito ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang
    behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
    isang tauhan sa kanyang akda.
  • TEORYANG EKSISTENSYALISMO
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
  • TEORYANG ROMANTISISMO
    Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
  • TEORYANG MARXISMO
    Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.
  • TEORYANG SOSYOLOHIKAL
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
  • TEORYANG MORALISTIKO
    Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.
  • TEORYANG BAYOGRAPIKAL
    Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo
  • TEORYANG QUEER
    Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer
  • TEORYANG HISTORIKAL
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
    kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
  • TEORYANG KULTURAL
    Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
  • TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan
  • TEORYANG DEKONSTRAKSYON
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at
    mundo.
  • Ekolohiya - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan.
  • Kritisismo - komparison, analisis, interpretasyon, at/o ebalwasyon ng mga akdang pampanitikan.
  • Impresyonismo - subhektibo. Ang panghuhusga ay mula sa personal na reaksyon.
  • Practical - likas na obhektibo na may consensus na paghusga batay sa analitikal o iba pang katibayan.
  • Ito ay pinagsamang dalawang salita eko (Ekolohiya) at Kritisismo. Isang interdisisplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. Isang rin itong dulog o teorya na nakaangkla sa pagpapalagay na may ugnayan ang panitikan at ang pisikal na kapaligiran
  • Ekokritisismo - Ito ay pag-aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na kapaligiran na tumitingin sa daigdig at hindi sa tao o lipunan lamang
  • TEORYANG EKOKRITISISMO - Pinaikling anyo ng ecological literary criticism na nagtatanghal sa kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi bilang isang indibidwal na may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng akda.
  • Cheryll Glotfelty - Siya ang kauna-unahang nagtambal ng salitang ekokritisismo taong 1880 sa Estados Unidos
  • Harold Fromm - Sumibol ang teoryang Ekokritisismo na siyang tumututok sa pandaigdigang krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan na detalyeng naglantad ng mg kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang kapaligiran
  • William Rueckert - Bumuo ng tambalang salitang "Ecopoetics". Ito ay ang isang tula na tumatalakay at sumisiyasat sa kalagayan ng kalikasan, kaugalian at pakikitungo ng tao sa kalikasan.
  • Jose M. Villena - Sa Paglubog ng Araw
  • Jason Hamster - Puno at Ikaw at Tubig, Tubig, Tubig
  • Henry David Thoreau - Sinabi niya na kapag ang tao ’ y nabigong matuto mula sa kanyang kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay (Shaba at Nagaraj, 2013)
  • John Muir - So extravagant is Nature, her choicest treasures, spending plant beauty as she spends sunshine, pouting but fourth into land and sea, garden and desert. And so, beauty of lilies falls on angels and men, bears and squirrels, wolves and sheep, birds and bees, but as far as I have seen, man alone, and the animals he tames destroy these gardens
  • Ecocriticism sa Amerika - Nagbibigay tuon sa kagandahang dulot ng kalikasan
  • Green Studies sa Britanya - Nagbibigay tuon sa paglimi sa mga distraksyan o panganib na dala ng tao sa kalikasan