hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.
isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
akdang pampanitikan na may layuning itanghal sa isang Teatro o entablado.
hango sa totoong buhay na maliban na lamang sa ilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Mga Sangkap ng Dula
1 ) Simula
Tauhan
Tagpuan
Sulyap sa suliranin
2 ) Gitna
Saglit na kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
3 ) Wakas
Kakalasan
Kalutasan
Mga Elemento ng Dula
Iskrip - pinakaluluwa ng isang dula, nakikita ang banghay ng isang dula.
Aktor - nagsisilbing tauhan ng dula, nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
Diyalogo - mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
Direktor - nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
Mga Elemento ng Dula
Manonood - saksi sa isang pagtatanghal, hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng ibang tao.
Tema - pangunahing ideya o mensahe na nais iparating ng may-akda.
Mga Uri ng Dula
Komedya - katawa-tawa, magaan ang paksa o tema. Ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas
Trahedya - ang tema ng paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiyak, nakalulunos. Ang mga tauhan karaniwa’y nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan at kung minsan ay nauuwi sa kamatay. Ito’s karaniwang nagtatapos ng malungkot.
Mga Uri ng Dula
Melodrama - ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa pang-araw-araw. Ito ay karaniwang mapapanood sa teleseryeng pantelebisyon.
Tragikomedya - sa anyong ito ng dula magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahalagang tauhan.
Mga Uri ng Dula
Parse/Parsa - dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang mga aksyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan at magbitiw ng kabalbalan.
Saynete - itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagsapalaran.
Mga Uri ng Dula
Parodiya - anyo ng dulang panunudyo, ginagaya ang mga katutuwang kilos, ayos, pag-uugali at pagsasalita ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya pambabatikos na tawa-tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.
Proberyo - kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwarang ng tao sa kanyang buhay.