Kaalamang-Bayan

Cards (15)

  • Ang tula ay isa sa mga pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino.
  • Ang salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noon.
  • Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno.
  • Ayon kay Alejandro Abadilla, "bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong, bugtong, palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan."
  • Ang apat na kaalamang-bayan ay tulang panudyo, tugmang de-gulong, bugtong, at palaisipan.
  • Ang tulang panudyo ay tinatawag din na awiting panudyo at pagbibirong patula.
  • Ang tulang panudyo ay akdang may layunin na manlibak, manukso, o mang-uyam.
  • Ang tugmang de-gulong ay mga paalalang matatagpuan sa mga pampublikong sasakyan na may kinalaman sa pagbibiyahe.
  • Ang tugmang de-gulong ay maaring nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula.
  • Karamihan ng mga tugmang de-gulong ay tinipon ni Dr. Paquito Badayos.
  • Ang bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at binibigkas ng patula at kalimitang maiksi lamang.
  • Ang bugtong noon ay ginagamit na laro sa lamay upang magbigay-aliw sa namatayan.
  • Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan.
  • Ang palaisipan ay may layunin na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagtitipon-tipon.
  • Ang palaisipan ay ang paboritong pampalipas-oras ng ating mga ninuno.