AP (MODULE 3)

Cards (38)

  • Ang diskriminasyon ay ang hindi pantay o hindi makatuwirang pakikitungo o pagtrato sa isang tao o grupo ng mga tao. May mga tao na nakararanas ng diskriminasyon dahil halimbawa sa kanilang kaanyuan, kulay, lahi, etnisidad, paniniwala, pananampalataya, kasarian, gender, at seksuwalidad.
  • Ang isa sa mga halimbawa ng diskriminasyon na sinasabing malaganap ay ang diskriminasyon sa kasarian o gender discrimination. Tinatawag din na diskriminasyong seksuwal (sexual discrimination), ito ay tumutukoy sa anumang gawi na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao o grupo ng mga tao dahil sa kanilang gender o kasarian.
  • Ang sexual violence at sexual discrimination ay sinasabing kapuwa nag-uugat sa mababang pagtingin sa kasarian ng biktima, pangkaraniwan ay ang mga babae at LGBTQ+.
  • Ang karahasang seksuwal ay may iba't ibang anyo gaya ng seksuwal na panliligalig (sexual harassment), pang-aabusong seksuwal (sexual abuse) o seksuwal na pag-atake (sexual assault), at panggagahasa (rape).
  • Ang sexual harassment (seksuwal na panliligalig), ayon sa website ng United Nations Office on Drugs and Crime, "is a legal term that refers to unsolicited verbal or physical behaviour of a sexual nature" ("Forms of Gender Discrimination," n.d.). Ito, kung gayon, ay anumang berbal o pisikal na gawi na nasa uring seksuwal na hindi naman hinihingi ng isang tao. Kabilang dito ang tinatawag na "unwelcome sexual advances" at "requests for sexual favors." Kaugnay ito ng tinatawag natin sa Filipino na mga "pambabastos.
  • Ang kababaihan at babae ay maaaring mabiktima ng seksuwal na panliligalig sa mga lugar gaya ng tahanan, lugar ng trabaho, sa paaralan, at sa pamayanan.
  • Ang isang halimbawa ng public sexual harassment na umiiral sa maraming mga kultura sa buong mundo ay ang "catcalling."
  • Halimbawa, sa France, isang batas ang pinanukala upang gawing krimen ang "catcalling" at magpapataw ng multa laban sa mga lalaking sumutsot sa kababaihan. Ngunit may mga kumontra sa panukalang batas, na nagsasabi na ang "catcalling" ay isang kulturang Pranses lamang.
  • Ang pang-aabusong seksuwal (sexual abuse) ay
    ay ang anumang uri ng seksuwal na gawaing ginagawa nang labag sa kalooban ng biktima, kasama na ang panghihipo, panggagahasa o tangkang panggagahasa (attempted rape), penetrasyon sa maseselang bahagi ng katawan, sa bata, paninilipo pamboboso (voyeurism), exhibatawan, video sa mga seksuwal na sitwasyon, at iba pang kauri nito. Mapapansin na pangmomolestiya ang sexual harassment at sexual abuse ay totoong magkaugnay.
  • Ang isyu ng seksuwal na pang-aabuso at panliligalig sa lugar ng trabaho ay lalong nalantad sa publiko at nakakuha ng bagong antas ng kamalayan nang sumuporta ang mga babaeng kilala sa lipunan sa "#metoo campaign," na sinimulan ng black activist na si Tarana Burke noon pang 2007.
    Sa nasabing kampanya, inilantad niya sa publiko ang hindi naaangkop na pag-uugali ng mga lalaking kasamahan niya sa Hollywood at mga kilalang personalidad sa media, gamit ang mga katagang "Time's Up."
  • Ang pang-aabuso ay ang pagtrato sa sinuman nang may karahasan o kalupitan, lalo na kung regular o paulit-ulit. Nakapaloob sa konsepto ng pang-aabuso ang mga isyu ng domestic violence at panggagahasa (rape).
  • Ang domestic violence (karahasan sa tahanan) ay tumutukoy sa marahas o agresibong gawi sa loob ng tahanan. Ang halimbawa nito ay ang paulit- ulit na pang-aabuso sa isang kasalukuyan o dating asawa, kinakasama, o anak. Anumang anyo ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso at emosyonal na pagmamanipula o tahanan. pangongontrol ay maaaring ituring na karahasan sa lipunan.
  • Ang rape o panggagahasa naman ay isang uri ng seksuwal na panghahalay o pag-atake (sexual assault) na karaniwang nasa anyo ng pagtatalik (sexual intercourse) o iba pang uri ng penetrasyong seksuwal nang walang pahintulot.
  • May isang uri ng di-legal na hanapbuhay sa bansa kung saan malapit o prone sa sexual abuse ang mga sangkot-ang prostitusyon. Ito ay isa sa mga kontemporaryong isyu na hindi nareresolba sa matagal nang panahon.
  • Ang prostitusyon ay tumutukoy sa mga gawaing seksuwal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na may halaga gaya ng alahas at ari-arian, o kaya naman ay kapalit ng ibang pabor.
  • Maraming uri ng prostitusyon ang nagaganap sa bansa kaya nahihirapan ang kapulisan sa pagsugpo rito. May mga gumagawa ng pornograpiya, isang terminong hango sa salitang Griyego na pornea (prostistusyon) at grapho (ilustrasyon). Ito ay tumutukoy sa malalaswang palabas, babasahin, at larawan.
  • Mayroon ding mga bugaw-taong tagapamagitan o tagaalok ng kanilang mga alagang prostitute sa mga taong nangangailangan ng panandaliang ligaya kapalit ng halaga. Marami nito sa mga siyudad gaya sa Metro Manila.
  • Ang prostitusyon at pang-aabuso ay kabilang sa mabibigat na suliraning kinahaharap ng lipunan. Narito ang ilang mungkahing solusyon:
    1. Higpitan ang paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa prostitusyon at pang-aabuso.
    • mga taong tumatangkilik sa prostitusyon o mga nang-aabuso.
    • Mga bugaw at mga nagmamay-ari ng mga establisimiyentong nagbibigay-daan sa prostitusyon.
    • Mga opisyal ng gobyerno na backer o tagapagtaguyod ng mga sangkop sa prostitusyon.
    • Mga prostitute
  • 2. Bumuo ng mas naaangkop na mga batas na nakatuon sa pagsupil sa prostitusyon, panggagahasa, at pang-aabuso.
  • 3. Magsagawa ng mga programang nakatuon sa pagkakaroon ng kaalaman at kamalayan tungkol sa prostitusyon, pornograpiya, kababaihan. at pagkalakal sa kababaihan.
  • 4. Magturo sa mga magulang na maging responsable sa paggabay sa kanilang mga anak upang hindi masadlak sa prostitusyon at pang aabuso.
  • 5. Magtulungan ang mga sekta ng relihiyon at iba pang institusyon gaya ng paaralan upang mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa kasamaan ng prostitusyon at pang aabuso.
  • 6. Magkaloob ang gobyerno ng mga hanapbuhay o alternatibong pagkakakitaan na may magandang pasahod upang maiwasan na Ang pagpasok sa prostitusyon.
    1. Pagbuo ng mga batas na nauukol sa diskriminasyon at karahasan, lalo na para sa kababaihan, gaya ng sumusunod: a) RA 7877 or the Anti-Sexual Harassment Act of 1995 b) RA 8353 or the Anti-Rape Law of 1997 c) RA 8369 or the Family Courts Act of 1997 d) RA 8505 or the Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998 e) RA 9208 or Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 f) RA 9262 or Anti-Violence Against Women and Their Children of 2004
  • 2. Ang Republic Act No. 9710 Magna Carta of Women (MCW)
    Ang Magna Carta of Women ay binubuo ng mga batas para sa karapatang pantao ng kababaihan. Ito ay naglalayong maibsan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala at pagprotekta sa kanilang mga karapatan. Ang mga batas na ito ay nakabatay sa internasyonal na batas. Ang isa sa mga programa sa ilalim nito ay ang pagtatatag ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women (CEDAW) Committee noong 2006.
  • 3. Ang Philippines UDF-PHI-07-184-4005 - Promoting Gender Responsive Governance for Rural, Indigenous, and Muslim Women in the Philippines Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa Pilipinas mula noong Nobyembre 2008 hanggang 2011.
  • 4. Ang Republic Act No. 10354 Reproductive Health Act of 2012 The Responsible Parenthood and Ang batas na ito na lalong kilala sa tawag na Reproductive Health
  • 5. Ang pagsali sa UN Women Ang UN Women ay isang organisasyon sa ilalim ng United Nations na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian (gender equality) at pagpapalakas sa kababaihan (women empowerment).
    Nilikha ito nang magkaroon ng United Nations General Assembly noong Hulyo 2010 at nasimulan ang operasyon ng UN Women noong Enero 2011.
  • 2. Ang pagbuo ng Ladlad LGBTQ Party List Kinatigan ng Kataas-taasang Hukom noong 2010 ang petisyon ng Ladlad LGBTQ Party List na makasama ito sa listahan ng mga pagpipiliang partylist sa eleksiyon sa bansa (bagaman kinulang ang nakuha nitong boto noong 2010 at 2013 upang magkaroon sana ng puwesto sa Kongreso). Kaugnay nito, ang Commission on Human Rights (CHR) naman ay naglagda ng mga memorandum noong 2010 ukol sa mga organisasyong sibil na magiging responsable sa mga programang mangangalaga at magsasanggalang sa mga karapatang pantao ukol sa oryentasyong seksuwal at gender identity.
  • Some sectors are calling for the passage of the SOGIE Bill, a bill that would penalize discrimination based on "sexual orientation" and "gender identity or expression" (SOGIE)
  • Two SOGIE bills are currently pending: Senate Bill 159 or Anti-Discrimination Act in the Senate and House Bill 258 or SOGIE Equality Act in the House of Representatives
  • The SOGIE Bill is expected to protect lesbian, gay, bisexual, transgender, and others
  • Passage of the SOGIE Bill
    Will penalize with a fine of Php100,000.00 up to Php500,000.00 and imprisonment of 1 year up to 12 years, depending on the situation
  • SOGIE Bill
    • Senate Bill 159 or Anti-Discrimination Act in the Senate
    • House Bill 258 or SOGIE Equality Act in the House of Representatives
  • Women are the most common victims of online abuse, such as "trolling," due to their jobs (such as sports journalism or commentary)
  • Social media platforms are venues for sexual discrimination and sexual abuse
  • 5. Pagkalampag sa pamahalaan
    Nananawagan ang ilang sektor ukol sa pagbuo ng pamahalaan ng mga angkop na proyekto ukol sa karahasan at diskriminasyon. Makagagawa halimbawa ang gobyerno ng mga proyekto at programa ukol sa pagpapalaganap ng mga tamang kaalaman ukol sa pang- aabuso at diskriminasyon ukol sa kasarian.
    Maaari ding lumikha ng livelihood program upang tugunan ang tukso sa pagpasok sa prostitusyon.
    1. di pa tapos
    2. Ang pagbuo ng Ladlad LGBTQ Party List
    3. Pagsusulong ng SOGIE Bill
    4. Pag-iingay sa social media
    5. Pagkalampag sa pamahalaan