ay naaayon din sa antas nito o lebel, kaya mayroong wikang pambansa, lalawiganin, kolokyal, o karaniwan at wikang slang o balbal
Creole
Unang naging pidgin hanggang sa naging likas na wika
Pidgin
Nakabuo ng ibang paraan ng paggamit ng wika
Idyolek
Barayti na may kaugnayan sa personal na kakayahan ng tao na gumamit ng wika - Indibidwal na paggamit ng tao ng isang wika - Pinakaliberal na wika
Sosyolek
Barayti ng wikang ginagamit ng mga tao na nabibilang sa partikular na grupo o pangkat - Maaaring ang pagkakaiba ay nakaugat sa pagkakaiba ng interes, seks, o pangkat na kinabibilangan
Register (okupasyonal, propesyon)
Varyasyon batay sa gamit - pagbabago sa gamit ng wika batay sa kung sino, paano, at ano ang pinag-uusapan - jargon (termino na teknikal na angkop lamang sa propesyon)
Dialekto (wikain, lalawiganin, rehiyonal)
Naiibang wikang binibigkas ng mga kasapi sa isang tangiang magkauri at magkawikang pamayanan - magkawikang payamanan - iba sa punto at tono
Wika
Itinuturing na mas malaki kasysa sa dialekto, mas kilala, prestihiyoso at istandard
1) Heograpiko 2) Sosyal
Dalawang dimensyon ng baryabilidad ng wika
Banyagang wika
ex: Espanyol, Mandarin, hindi matatas o bihasa
Pangalawang wika
ex: Fil/Eng, natutuhan sa eskwelahan
Unang wika
ex: Ilocano, wika ng tahanan - matatas o bihasa sa paggamit nito
Wikang Panturo - Filipino, Ingles, at Katutubo/Unang Wika
Wikang ginagamit ng guro bilang daluyan ng pagtuturo - Mother tongue based multilingual education
Wikang Opisyal - Filipino at Ingles
Wikang ginagamit ng mga tao sa komunikasyon at transaksyon at sa Gobyerno
Wikang Pambansa - Filipino
Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas - simbolo ng identidad
Masasabing ang mga teoryang nabuo hinggil sa wika ay hango sa: Pananampalataya
Teoryang biblikal
Masasabing ang mga teoryang nabuo hinggil sa wika ay hango sa: Kilos at gawi ng tao
Masasabing ang mga teoryang nabuo hinggil sa wika ay hango sa: Mga bagay sa kapaligiran
Teoryang ding-dong (Max Muller), Teoryang bow-wow
Samakatuwid, ang wika ay behikulo ng ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit (Paz, et al. 2003)
Ang wika ay makapangyarihan
ex: Bawal tumawid, nakakamatay
Ang wika ay buhay o dynamiko
ex: Bomba, patay na ang wikang Latin
Ang wika ay
1) Sistematiko 2) Nakabatay sa kultura 3) Binubuo ng tunog 4) Arbitraryo 5) Ginagamit sa komunikasyon 6) Pantao
Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mgaa tao at sa pamamagitan nito'y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao. - Hemphill
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. - Sapiro
Ito ay pasulat man o pasalita.
Ang wika ay arbitraryong sistema ng mga sinasalitang tunog na ginagamit para sa komunikasyon ng tao. (Wardaugh)
May iba't ibang ayos (The house is beautiful, maganda ang bahay) - Magkabuhol ang wika at kultura. (ex: Mindanao - "malong", po at opo sa Filipino, hiram na salita "nyebe", bigas at kanin = rice, utong = sitaw sa Ilokano)
Ang wika ay sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura (Henry Gleason)
Hindi tinuturing na wika ang tunog ng mga parrot o moro. May kanya kanyang instinct ang mga hayop sa isa't isa.
Ang wika ay pangunahin at pinakakomplikadong anyo ng simbolikong gawaing pantao (Archibald A. Hill)
arbitraryo
esensya ng wika ay panlipunan; iba't ibang lugar, iba't ibang wika
morpema
pinagsamasamang tunog; isang yunit ng salita na makahulugan
ponema
makabuluhang tunog (ex: ba, ya, etc.)
sistematiko
may balangkas at may tuntuning sinusunod
Ang wika ay sistematikong simbolo na nabbatay sa arbitraryong tuntunin. (Robins, 1985)
May limitasyon din ang wika. Ang tao lang ang may taglay na wika.
Isa sa pinakamagandang biyaya ng Diyos sa tao ay ang wika. Instrumento ito sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at mundong ginagalawan.