Kung ang nakaraan ay napakalawak, mahalagang tandaan na hindi lahat ng mga naganap sa nakaraan ay nasaksihan ng tao. Sa mga kaganapang nasaksihan, iilan lamang din ang naaalala ng tao. Sa mga kaganapang naaalala ng mga tao, iilan lamang ang naitala. Mula naman sa mga naitalang kaganapan, iilan lamang ang mga tala na tumagal hanggang sa kasalukuyan.