Pagsalin Aralin 1

Cards (39)

  • Sight Translation - Subuking isalin nang on-the-spot ang sumusunod na mga pahayag na karaniwan nating mababása sa paligid.
  • (Eugene A. Nida, 1964). - Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likás na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo
  • (Theodore H. Savory, 1968). - Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita
  • (Mildred L. Larson, 1984). - Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika
  • (Peter Newmark, 1988). - Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitán ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika
  • Priyoridad ng Pagsalin - Kahulugan, Estruktura, Estilo, Pinalalaanang tao
  • Polysemous - word has more that one meaning
  • Elemento - SL atTl
  • SL - source language or simulaang lengguwahe
  • TL - Target Language or tunguhang lengguwahe
  • Daloy ng Pagsalin - SL to Tl
  • Kahulugan ng Pagsalin
    1. Nagmula sa salitang Latin na “translatio” na nangangahulugang “pagsalin”.
    2. Hindi na kailangang tawaging “pagsasaling-wika” dahil ito ay redundant. Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay transladar (paglalapat ng salita para sa salitang nasa ibang wika).
    3. Isang matandang kawikaang Italiano ang “traduttore, traditore” na nangangahulugang “tagasalin, taksil.”
  • Layunin o Kahalagahan ng Pagsalin
    1. .Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
    2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa
    3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin
  • Maikling Kasaysayan
  • Isa sa mga unang tekstong naisalin ay ang Bibliya.
  • Iginiit ni San Agustin na sadyang wasto ang Septuagint, ang bersiyong Griyego ng Ebanghelyo ng mga Ebreo dahil ayon sa alamat, 70 Griyegong Hudyo ang nagsalin nito ngunit nagkaisa sila sa salin bagama’t magkakahiwalay silang nagsalin.
  • Sa kaniyang Letter to Pammachius (395 AD), pinaboran ni San Geronimo ang salita-sa-salitang salin ng Bibliya dahil “ang mismong paghahanay ng salita ay isang misteryo.”
  • San Geronimo, Patron ng Pagsasalin, kapistahan tuwing ika-30 ng Setyembre.
  • Ang pagsasalin daw ay agham dahil sa pinagdaraanan nitong proseso.
  • Ang pagsasalin naman daw ay sining dahil sa ginagawa ditong muling paglikha.
  • Ang unang aklat na nailimbag, ang Doctrina Cristiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika.
  • Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong moral o relihiyoso noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, atbp.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino.
  • Dahil sa mabilis na takbo ng pandaigdigang ekonomiya, asahan ang mas marami pang lokalisasyon ng mga produkto at serbisyo upang lalong umayon sa kalikasán ng mga target nitong mamamayan.
  • Ang pagsasalin ay isang gawaing walang-kupas at lalong nagiging mahalaga sa daigdig.
  • Ayon kina Minako O’Hagan (2002), ang lokalisasyon ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa.
  • Kailangang lumikha ang pagsasalin ng “pang-akit na domestiko” sa target na pook upang mabisàng mailipat ang anumang impormasyon at kaalaman.
  • Saklaw ng Aralin -Ang tinatawag ngayong aralin sa pagsasalin (translation studies) ay isang malawak na bukirin at patuloy na nililinang dahil sa matindi at patuloy na lumalaking pangangailangan sa pagsasalin sa buong mundo(Almario,2016).
  • Uri ng Salin: Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal Kabílang dito ang lahat ng pagsasalin tungkol sa purong agham, aplayd na agham at teknolohiya.
  • Mas abstrakto at mas mahirap isalin ang mga tekstong siyentipiko (purong agham) ngunit may estandardisado na itong mga termino na makakatulong sa pagsasalin.
  • Ang mga tekstong teknikal (aplayd na agham at teknolohiya) ay mas kongkreto, mas kolokyal at mas madaling unawain.
  • Layunin ng pagsasaling teknikal na mailahad ang mahahalagang impormasyon sa paraang madali, maayos at epektibo.
  • Sa pagsasaling teknikal, hindi mahalaga ang estilo basta basta ang nilalamang impormasyon ay maisalin nang hindi nababago mula SL tungong TL (Landers, 2001).
  • Pagsasaling Pampanitikan Sinasalamin nito ang imahinatibo, intelektuwal at intuwitibong panulat ng may-akda; natatangi ang tekstong pampanitikan dahil sa estetika o ganda nito.
  • Mga katangian ng tekstong pampanitikan ayon kay Belhaag (1997):
    • Nagpapahayag ng damdamin (ekspresibo)
    • Bukás sa iba’t ibang interpretasyon (konotatibo, subhetibo)
    • Nakatuon sa anyo at nilalaman
    • Hindi kumukupas at para sa kahit sinong mambabása
    • May tendensiyang tumaliwas sa mga tuntuning pangwika
  • Proseso ng Pagsalin
    • Paghahanda sa pagsalin
    • Aktuwal ng Pagsalin
    • PAgsusuri ng Salin
  • Simulaing gawain sa Pagsasalin
    1. Dapat maunawaan ng tagasalin ang kahulugan at ang ibig sabihin ng orihinal na awtor.
    2. Dapat nauunawaan ang SL at TL
    3. Dapat umiwas sa tumbasang salita-sa- salita
    4. Dapat gumamit ng anyo ng salita na alam ng nakararami sa TL.
    5. Dapat malapatan ng angkop na himig ang himig
       ng orihinal.
  • Aktuwal na Pagsalin
    •  Paghahanap ng salita na pantumbas sa isinasaling salita.mood hábang nagsasalin.
    • Ang gawaing ito ay malimit na depende sa tagasalin—sa kaniyang layunin—na depende rin sa kaniyang kaalamang pangwika, sa ninanais niyang epektong pampanitikan, sa kaniyang paboritong salita, sa kaniyang
  • Pagsuri ng Salin
    • Napakalaking tulong ang intelihente at masinsinang pagsuri sa mga salin tungo sa inaasam nating paglusog ng pambansang pagsasalin.
  • Halaga ng Pagsasalin sa Sariling Larang
    1. Pagharap at paglutas sa karaniwang suliranin na paglilipat ng kaisipan, kaalaman at laro-sa salita mula orihinal tungo sa pinagsalinang wika
    2. Nawawala ang balakid ng pagkakaiba-iba ng wika sa pagkakaunawaang global
    3. Pagsasaalang-alang ng tagasalin sa pangangailangan ng kaniyang panahon at lipunan
    4. Nakatutulong sa adhikang pang-edukasyon o isang pambansang adyenda sa pagsasalin
    5. Pambansang kaunlaran /Pagsulong o pagyabong
       ng wika