batayang kaalaman ang pag-unawa sa kahulugan ng pangunahing konsepto.
Magkakaugnay na Salita
hindi nangangahulugang magkakasingkahulugang ang mga salitang magkakaugnay.
Pagsasakonteksto ng Akda
Pagsalamin ng akda sa pinagmulan nito.
Pagsasakonteksto ng Akda
Paglalahad ng akda ng mga detalyeng may kaugnay sa tunay na Pangyayari.
Pagsasakonteksto ng Akda
Paglalahad ng mga kaisipang mailalapat sa panahon at sitwasyong tinukoy sa akda.
Lugar - Pagsasakonteksto ng akda na pagsalamin ng akda sa pinagmulan nito.
Batay sa Kondisyon ng Panahon
• Pagsasakonteksto ng Akda na paglalahad ng akda ng mga detalyeng may kaugnay sa tunay na Pangyayari.
Batay sa kasaysayan ng Akda -
Pagsasakonteksto ng akda na paglalahad ng mga kaisipang mailalapat sa panahon at sitwasyong tinukoy sa akda.
Pagsusuri ng Epiko
Malalim na pag-unawa sa akda
Pagsusuri ng Epiko
Malalim na pag-unawa sa akda
Pagsusuri ng Epiko
Pag-aaral ng kasaysayan ng pinagmulan
Pagsusuri ng Epiko
Iba't ibang paniniwala (persektibo)
Pagsusuri ng Epiko
Pag-unawa sa mensahe at diwa ng akda
Mga Elemento ng Epiko na Dapat Bigyang-pansin sa pagsusuri
Tauhan
Tagpuan
Suliranin
Aral o kaisipan
Tauhan - Sa pagsusuri nito,, mahalagang nakikilala ang karakter sa akda, na binubuo ng kaniyang mga katangian at layunin sa kuwento.
Tagpuan - Ang pagsusuri nito sa isang ng kuwento ay parang pagsasakonteksto rin nito. Inaalam ang lugar ng pangyayari at sinusuri ang ugnayan nito sa mga nangyaring kaganapan.
Suliranin - tumutukoy sa paksang tinatalakay, ang mga isyu at problemang pinalulutang dito.
Aral - Tumutukoy sa magagandang aral sa buhay na mapupulot sa isang akda.
Aral - Ang pagsusuri nito ay hindi lamang paimbabaw. Kinakailangan na mapag-ugnay-ugnay ang mga pangyayari sa akda upang ganap na maunawaan ang kabuuang diwa nito.
Iba't Ibang Konteksto ng Aral o Kaisipang Maaaring matamo sa Epiko
Pansarili
Panlipunan
Pandaigdig
Pansarili- wastong paraan ng pamumuhay at ang kahalagahan nito.
Panlipunan- kahalagahan ng pagiging makabayan.
Pandaigdig- pangyayaring may kinalaman sa nakaraan; mga ideya sa pagharap sa suliranin sa kasalukuyan
Kung binubuo ang tula ng mga taludtod na bumubuo sa isang saknong, binubuo naman ang sanaysay ng mga pangungusap na bumubuo ng isang talata.
Bilang yunit na bumubuo ng isang sanaysay dapat magtaglay ang isang talata ng pangunahin at pantulongnakaisipan.
Naglalahad ang pangunahingkaisipan ng pangunahing paksang naghahayag ng pangkalahatang diwa ng talata.
Pangunahing kaisipan - Naglalahad ang pangungusap na ito ng pangunahing pangungusap at kadalasang makikita sa una o hulihang bahagi ng talata.
Pangunahing kaisipan - Maaari ring hindi ito direktang ipinahahayag, sa halip ipinahihiwatig lamang sa tulong ng mga pantulong na kaisipan.
Mga kaisipan at susing konsepto ang mga pantulong na kaisipan na may kaugnayan sa pangunahing kaisipan.
Pantulong na kaisipan - Tumutulong, nagpapalawak, at nagbibigay- linaw ang mga ito sa paksang pinag-uusapan.
Panimula - Naglalahad ng paksang tinatalakay at kung bakit mahalaga itong talakayin.
Gitna - Naglalahad ito ng mahahalagang datos kaugnay ng paksang tinatalakay upang suportahan ang inilahad na paksa at pangunahing kaisipan.
Wakas - Naglalahad itong paglalagom at/o pangkalahatang palagay at pasya tungkol sa paksang tinalakay batay sa mga datos at katibayang tinalakay sa sanaysay.
Elemento ng Sanaysay:
Tema
Damdamin
Pagkakaugnay-ugnay
Diin (emphasis)
Tema - Ito ang kabuuang paksa na inilalahad ng manunulat.
Ang sanaysay ay kadalasang umikot sa isangtema lamang.
Damdamin - Tumutukoy ito sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang sanaysay.
Damdamin - Maaari itong maging kasiyahan, kalungkutan, takot, galit, pagkabahala, at iba pang emosyon.
Pagkakaugnay-ugnay - Ito ang maayos at sistematikong pagkakalahad ng mga ideya.