Aralin 2

Cards (24)

  • Bago Magbasa - pagsisiyasat ng tekstong babasahin
  • Bago Magbasa - Kinapalolooban ang bahaging ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ngmabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
  • Habang Nagbabasa- pinagagana ng mambabasa ang iba't ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.
  • Habang Nagbabasa- lumalawak at umuunlad sa bahaging ito ang bokabularyo ng mambabasa.
  • Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
  • Biswalisasyon ng binabasa. Bumubuo ang mambabasa ng mga imahen mula sa nakuhang impormasyon at imbak na kaalaman.
    1. Pagbuo ng koneksiyon. Pinayayaman ang ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
  • Paghihinuha. Pinag-uugnay ang impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
    1. Pagsubaybay sa komprehensiyon. Tinutukoy ang mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at gumagawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito.
    1. Muling pagbasa. Muling babasahin ang isang bahagi o kabuoan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
    1. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Gumagamit ng iba't ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
  • Pagkatapos Magbasa Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ang sumusunod
    1. Pagtatasa ng komprehensiyon. Pagsagot sa iba't ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa o mataya ang kabuoang komprehensiyon o pag-unawa sa teksto.
    1. Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng mambabasa ang pangunahing ideya at detalye sa binasang teksto.
    1. Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod na nakapokus sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay nagbibigay ng perspektiba o pagtingin sa manunulat batay sa pag- unawa sa teksto ng mambabasa.
    1. Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyon sa teksto. Tinutukoy rin kung ano ang halaga at ugnayan ng teksto batay sa layunin ng pagbasa.
  • KATOTOHANAN - ay mga pahayag na napatunayan o napasubalian na sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
  • OPINYON - ay mga pahayag na nagpapakita ng personal na paniniwala o iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng "sa opinyon ko," "para sa akin," "gusto ko," o "sa tingin ko."
  • Ang LAYUNIN ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag. 
  • Ang PANANAW naman ay pagtukoy sa distansiya ng manunulat sa paksang tinatalakay. Ang panauhan ng teksto ay maaaring makapagbigay ng ideya kung gaano kalapit ang danas ng isang awtor sa sinusulat bagama't hindi naman laging ganito ang kaso.
  • Ang DAMDAMIN naman ay pahiwatig sa pakiramdam ng manunulat sa teksto. Nagpapahayag ito ng ligaya, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang sitwasyon.
  • Ang PARAPREYS ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at
    pananalita upang padaliin at palinawin ito sa mambabasa.
  • Ang ABSTRAK naman ay buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang kumperensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang kabuoang kaalaman ng pananaliksik, kabilang na rito ang mga layunin at kinalabasan nito
  • Ang REBYU naman ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito