Ang Unang Proseso ay kinakailangang masukat ang komprehensyong natamo sa pamamagitan ng pagsagot sa anumang tanong na may kinalaman sa binasa.
Ang Ikalawang Proseso ay pagpili ng mga salita at pagsasaayos ng pangungusap.
Ang Ikatlong Proseso ay ipinapahayag ang pagunawa o perspektiba.
Ang Ikaapat Na Proseso ay pagsusuri ng buhay ng mambabasa.
Sa pagbabasa, makikita ang kagandahan ng daigdig,
lumipad sa kalawakan, at masisid ang kaibuturan ng
karagatan.
Pagbasa - tumutulong sa pagpatatag ng pundasyon sa saligang kaalaman ng isang tao.
F. Sionil Jose (Francisco Sionil Jose) ay isang manunulat na gumawa ng pagaanalisa sa mga Pilipino kung paano bibigyang pagtingin ang pagbabasa.
Sept 21, 2011 -Kailan Inilimbag at isinulat ang "Why We Are Shallow" sa Phil Star.
Pagbasa - Isang proseso ng pagiisip; interaktibo; at may sistemang sinusunod.
Joseph E. Estrada - ang dating pangulong pinatalsik sa pamamagitan ng text message upang himukin ang mga taong magpunta sa EDSA at Malacanang.
"Texting Capital of the World" - minsang binansagan ang Pilipinas dahil sa milyun milyong mensaheng ipinadala sa pamamagitan ng pagte-text.
James M. Macaranas ayon sa kanya ang pagbabasa ay isang gawaing interaktibo, walang pinipiling lugar o oras para sa gawaing ito.
Unang Dimensyon (Pang-Unawang Literal) - makagagawa ng buod, balangkas ng paghahanay ng mga kaisipan.
Ikalawang Dimensyon (Interpretasyon) - magpahayag ng sariling palagay, magbigay ng puna; pagunawa sa mga tayutay; magbigay ng saloobin o pandama.
Ikatlong Dimensyon (Criticalreading) - inaalam ang kakintalang ipinahahayag ng binasa; naghahamon sa malawak na pagkakaiba at pagkakatulad ng diwa't pangyayari sa katotohanan.
Ikaapat na Dimensyon (Application) - iniuugnay ang binasa sa sariling karanasan na mauuwi sa pagmumungkahi ng wastong direksyon sa larangan ng buhay.
Ikalimang Dimensyon - paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon; nagaganyak na lumikha ng sariling panunulat.
PAGKONTROLSAORASNGPAGBASA - pabilisin o pabagalin
PAGBUO NG IMAHINASYON SA PAGBASA - paglikha ng imahe sa isip
PAGHIHINUHA - pagugnay ng kanyang imbak na kaalaman upang makabuo ng pahiwatig
PAGPAPALIT SALITA - salitang hindi pamilyar
MULING BASA - ginagawa kung sakaling sa unang pagbasa ay hindi ganap na naunawaan
Pagsulat - isang gawaing pantao ang naging dahilan kung bakit taglay pa rin natin ang aral ng kahapon (James M. Macaranas 2016).
Symetricalsymbol - simbolong iginuguhit sa yungib, kuweba, bato, o tablets sa balat ng hayop, punongkahoy at dahon; kakatawan sa kung paano nasaksihan ang pangyayari.
Anthropomorphic symbol - nilalang na may buhay ang paksa sa ginuguhit halimbawa ang lundo-lundong guhit ay kumakatawan sa ahas, ang dalawang linyang humuhugis bilog ay ibon.
Ayon kay DavidR.Olson, "Lohika ang tunguhin ng pagsulat".
Ang bawat likhang komposisyon ay maituturing na isang "obra".
Transaksyunal na sulatin: Binibigyang pansin ang mensaheng ipinahahatid, pormal at maayos ang pagkakabuo. Halimbawa: liham pangangalakal, memo, proposal, advertisement.
Ang sulating pananaliksik ay nagpapakita ng kalutasan sa isang suliranin na naging pokus ng pagaaral.
Ang sulating pananaliksik ay dumaan sa sanyantipikal na pamamaraan at ebalwasyon.
Malikhaing sulatin: Saklaw ang mga akdang pampanitikan.
Pansariling sulatin: Pumapaksa at may kinalaman sa personal na buhay ng may gawa nito. Halimbawa: liham, talaarawan, awtobayograpiya, dyornal.
Kaisahan - dapat makita sa sulatin ang kaisipang nais ipahatid.
Koherens - mahalagang may kaugnayan o koneksyon ang bawat pangungusap ang mga transisyonal na salita ay magagamit upang makita ang pagkakasunod-sunod na ideya.
Kalinawan - malinaw at hindi maligoy ang mga pangungusap.
Kasapatan - hindi bitin ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat puntong binubuksan.
Empasis o diin - sumisentro sa pinaguusapang paksa.
Kariktan - pumapasok ang ideya sa pagpili ng mga salita, walang kamalian sa ispeling, bantas at organisado.