YUNIT 1.1

Cards (25)

  • Ang Wika- Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong pantao. ( Hutch)
  • Sa pag-aaral ni Constantino (2007), ang wika ay maituturing
    damdamin, na behikulo ng pagpapahayag ng isang instrumento sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
  • Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng
    personalidad at damdamin ng tao. Nakasalalay ang
    mga pangungusap na padamdam o anumang saloobin. ( Mendoza , 2007)
  • Naniniwala naman si Dr. Fe Oranes (2002) na matutuhan ang
    wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
    kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang
    kagandahan ng buhay na kanilang gingalawan.
  • Dr. Fe Oranes
    Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa,
    kaluluwa o sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa
    isa't isa.
  • • Sinabi ni Gleason, ang wika ay masistemang
    balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa
    paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
    hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo
    na pinagsama-sama upang makabuo ng salita na
    gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
  • Sa deskripsyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
    wikang Filipino ay buháy o matatawag na dinamiko.
  • intelektwalisasyon ng wika
    Ito ang ang paglulunsad ng proseso ng
    pagtaas ngwika mula sa mababang
    kalagayan nito.
  • intelektwalisasyon ng wika
    Isangproseso upang ang isang wikang ‘di paintelektwalisado nang ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong lawakng karunungan
  • Noong petisyon Abril 2015, bunsod ng ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo.
  • Disyembre 30, 1937 ipinoroklama ang wikang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1935 kung saan ang Kongreso ay gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika
  • Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
  • Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hunyo 4, 1946 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 kung saan ang wikang opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino
  • Noong 1959, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero, Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito ay nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o Wikang batay sa Tagalog.
  • Noong 1987, alinsunod sa Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging Filipino.
  • Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod and paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
  • Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Inggles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanol at Arabic
  • Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili
  • Ang wikang pambansa ay wikang nag-uugnay sa iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at ito rin ang wika ng pananaliksik para sa pagyabong ng karunungan at karanasan ng mga mamamayang gumagamit nito
  • Artikulo XIV Konstitusyong 1987 Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
  • Dr. Pamela Constantino, propesor sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, “Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas, sa kaayusan at sa pag-unlad ng lipunan
  • Ayon sa kanila, isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang elaborasyon o pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon. -Haugen (1972) at Ferguzon (1971)
  • Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et al. (2019) ang kahalagahan ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kaisipang Filipino
  • Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M. Fernandez (2018), binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa wikang Filipino
  • Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika. Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang antas maykro sa pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong patakaran sa bawat lugar