AP 10 QUARTER 3

Cards (16)

  • Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination
    of Violence Against Women (DEVAW) na: “Ang karahasan laban sa kababaihan ay
    isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan
    at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang
    karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang
    posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.
  • Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM). Isinasaad dito na: “Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura
  • Ayon pa kay Annan isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.”
  • Sa panayam ni Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman, sinabi niya na, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng kanilang mga misis
  • Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT, sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
  • Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan
  • kapulungang nagtatanggal sa lahat ng mga porma ng diskriminasyon laban sa kababaihan tulad ng Convention on the Elimination of All Forms of Discriminations Against Women (CEDAW) na pinagtibay noong 1979 ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa, may ilang mga bansa at insidente pa ring hindi pantay ang pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan.
  • ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni Charice Pempengco. Noong Nobyembre 2011, ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay ginawaran siya ng isang importanteng sugo para sa Global AIDS Awareness.
  • TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Siya ay pumasok sa kompanyang ito noong Marso 1998. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa computers
  • DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Siya ay tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for Young People na naging dahilan kung bakit naging iskolar siya sa Ateneo de Manila University. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
  • MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa kompanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Noong taong 2015, siya ay pinangalanang ika-20 pinakamalakas na babae sa mundo ni Forbes. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
  • CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid. Noong 2010, inilabas ang kanyang unang internasyunal na studio album na Charice at pumasok ito sa ika-pitong pwesto sa Billboard 200 na naging dahilan upang si Charice ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.
  • ANDERSON COOPER (gay) Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kanyang coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.
  • PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
  • GERALDINE ROMAN (transgender) Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng AntiDiscrimination Bill sa Kongreso. Siya ay nakapagtapos ng kursong European Languages major in Spanish and French sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng Master’s Degree in Journalism sa Unibersidad del Pais Vasco sa Northern Spain
  • Ang diskriminasyon ay ang anumang pag -uuri, eksklusyon, o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.