Filipino sa Piling Larang

Subdecks (1)

Cards (150)

  • Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay "buhay".
  • Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig namang sabihin ay "tala".
  • Sa pagsasanib ng dalawang salita nabubuo ang salitang biography o "tala ng buhay".
  • Ang biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.
  • Mula rito ay nabubuo ang bionote.
  • Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa may-akda sa loob ng karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap o isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan.
  • Isinusulat ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa.
  • Tinitingnan ang bionote bilang "bio" o buhay at "note" o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan.
  • Dapat na maikli lamang ang nilalaman.
  • Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagtukoy ng taong inilalahad o inilalarawan sa bionote.
  • Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa pagsulat ng bionote.
  • Binibigyang-diin ang pinakamahahalagang impormasyon.
  • Mahalagang gamitin ang pyramid style sa pagsulat ng bionote upang maging gabay sa pagsulat mula sa mga natamong karangalan hanggang sa maliit na detalye ng kanyang buhay.
  • Bigyang-halaga lamang ang mga angkop na kasanayan o katangian sa pagpapakilala ng panauhin.
  • Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.
  • Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.
  • Ang abstrak ay isang maikling buod ng artikulo na matatagpuan sa unang bahagi ng manuskrito at ito ay kinakailangan makapagbigay pa rin ito ng sapat na deskripsyon o impromasyon.
  • Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract from.
  • Filipino sa piling larang Filipino 1-2
  • Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral.
  • Bakit maraming mag-aaral ang natatakot sumulat ng komposisyon? Sadya nga bang mas mahirap magsulat kaysa magsalita?
  • Ang abstrak ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon (Koopman 1997).
  • Sa uring deskriptibo, inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto.
  • Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa ng papel at hindi pa ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon (The University of Adelaide 2014).
  • Kung minsan, nagsasalita ang tao nang hindi gaanong nabibigyang-pansin ang kawastuhan sa gramatika sapagkat walang tala o dokumentong pagbabatayan ng kanyang sinabi kaya wala siyang masyadong pananagutan dahil ito ay lumipas na.
  • Ang sintesis sa akademikong sulatin ay ang proseso ng pagsusuri at pagsasama-sama ng mahahalagang ideya mula sa iba't ibang sanggunian o pinagmulan upang makabuo ng isang buod o kabuuang pang-unawa hinggil sa isang tiyak na paksa.
  • Layunin ng sintesis na ipakita ang ugnayan, pagkakapareho, o pagkakaiba-iba ng mga ideya mula sa iba't ibang pinagmulan.
  • Hindi gaya sa pagsulat, isang dokumento ang nalilikha na nagpapatunay ng kaalaman, opinyon, at kahusayan o di kahusayan sa paggamit ng wika ng manunulat.
  • Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016).
  • Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang-kasagutan ng mag-aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw.
  • Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.
  • Kailangan na ang abstrak na isusulat ay binubuo lamang ng 200 hanggang 500 salita.
  • Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa ng abstrak upang mapadali ang gawain.
  • Ang pagsulat ng abstrak ng papel - pananaliksik, mahalagang lagumin lamang ang pinakapaksa nito mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon ng pag-aaral.
  • Makikita ang proseso ng sintesis sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-usap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.
  • Ang kabuoan ng katawan ng sulatin ay magiging depende rin sa kung gaano kabisa bumuo ng pahayag ang manunulat na mag-aaral at kung gaano rin kalawak ang kanyang kaalaman sa kanyang isinusulat.
  • Ang pagsulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat.
  • Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.
  • Halimbawa ng sintesis: Paksa: Epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon.
  • Ang pagsulat ay isang continuum process ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat bilang masalimuot na gawain sapagkat nangangailangan ng kasanayan (skill).