AP Q3 | REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Cards (23)

  • Rebolusyong Industriyal - unang umusbong sa Great Britain noong ika-18 siglo kung saan mayaman ang deposito ng uling at bakal at may sapat na tubig
  • Uling, bakal, at tubig - tatlong pangunahing pangangailangan ng industriyalisasyon
  • Great Britain - naglipana rito ang mga artisanong magaling sa pag-iimbento
  • Mabuting kapaligiran, matatag na pamahalaan, at mayayamang kapitalista sa paglaganap ng iba't-ibang industriya
  • Pagbabagong pang-agrikultura - nagkaroon nito bago ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain
  • Napaaga na pag-ulan o ang pagbagsak ng yelo - kadahilanang hindi madali ang pamumuhay noon, at lubhang napipinsala ang mga pananim na siyang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay
  • Haciendero - mga may-ari ng lupa
  • Yamang tao, yamang likas, puhunan, transportasyon, pamilihan, at pamahalaan - Anim na salik na nakatulong sa pagsisimula ng rebolusyong industriyal sa Great Britain
  • Yamang tao - maraming magsasaka ang nawalan ng trabaho sanhi ng malaking pagbabago sa agrikultura. Dahil dito, dumami ang manggagawa sa Great Britain
  • Yamang likas - mayaman sa uling, bakal, at iba pang limas na yaman ang Great Britain
  • Puhunan - nagmula sa mayayamang may-ari ng lupain (haciendero) at negosyanteng mayayaman ang pondo ng bansa
  • Transportasyon - may malalaking daungan ang Great Britain. Ang paglalakbay ng mga mangangalakal sa dagat at mas mura kaysa sa lupa
  • Pamilihan - nagsisilbing panilihan ng mga yaring produkto ang mga kolonya ng Great Britain. May mga barkong pagluwas na siyang ginagamit upang magdala ng kalakal sa ibang bansa
  • Pamahalaan - binigyan ng malaking suporta ng pamahalaan industriyalisasyon sa Great Britain. Ang interes ng mga negosyante na isuling ang mga batas na kanilang pinaiiral ang umalalay rito
  • Taripa - tax, buwis; ang pamahalaan ay nagpaoatok ng taripa sa pumapasok na produkto
  • Mga epekto ng rebolusyong industriyal (buhay-ekonomiko) - lumaganap ang paggamit ng makinarya; naging sentro ng produksyon ang pabrika; ang pamumuhay ng tao ay umunlad; nagkaroon ng pagkakahati-hati sa trabaho o division of labor; ang pamantayan ng pamumuhay ng mga tao ay tumaas
  • Mga epekto ng rebolusyong industriyal (pamumuhay ng tao) - dumami ang tao sa mga lungsod na naging ugat ng mga problema sa krimen, populasyon, at kalusugan; natutong magtrabaho sa pabrika maging bata man o matanda; naghanap ng kasiyahan on mapaglilibingan ang mga tao
  • Mga epekto ng rebolusyong industriyal (politika) - pumalit sa mga aristokrasya sa kapangyarihan sa pamahalaan ay ang mayayamang negosyante; ang merkantilismo ay napalitan ng laissez faire; umaagapay na sa kalalakihan ang mga babae; sanhi ang komunismo, fascism, at Marxism; ang Great Britain, US, at Germany ay nakilala bilang mga makapangyarihang industriyalisadong bansa
  • Merkantilismo - Ito ang paniniwalang ang yaman ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng reserba ng ginto o pilak na makikita dito
  • Laissez-faire - "allow to do"; abstention by governments from interfering in the workings of the free market
  • Komunismo - pampolitikang ideolohiya na nilalayon ang pagtatatag ng kaayusang sosyoekonomiko na nakabalangkas sa ideya ng pag-aaring komun ng moda ng produksyon at pagkawala ng salapi, estado, at uring panlipunan
  • Fascism - isang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pamumuno na pinamumunuan na isang diktador, na may absolutong kapangyarihan
  • Marxism - isang makakaliwang ekonomiko at sosyopolitikal na pilosopiya na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan gamit ang materyalistang interpretasyon sa takbo ng kasaysayan at diyalektikong pananaw sa pagbabagong panlipunan