FIL MODULE 12

Cards (19)

  • KASANAYAN
    Kailangan na may sapat na kasanayan sa pag-iisip
    ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
  • TIWALA SA SARILI
    Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay
    karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
  • TINIG
    Kinakailangang mapanghikayat at nakaaakit na
    pakinggan.
  • BIGKAS
    Ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring
    magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salita lalo
    pa’t ang wika natin ay napakaraming homonimo.
  • TINDIG
    Kinakailangang may tikas.
  • KUMPAS
    Ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa
    kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng
    kumpas. Tandaan na kailangang maging natural ang
    pagkumpas.
  • KILOS
    Ang mga mata, balikat, paa at ulo at ang pagkilos ng mga ito
    ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
  • PAKIKIPAG-USAP
    Nagkakaroon ng palitan ng kaisipan, damdamin at
    pagpapalagayan ng loob ang mga taong sangkot sa
    usapan.
  • PAGPAPAKILALA SA SARILI SA IBANG TAO
    Pagpapakilala sa isang tao upang
    makipagpalagayang-loob
  • PAKIKIPAG-USAP SA TELEPONO
    Nagkakaroon ng palitan ng impormasyon at
    karanasan gamit ang telepono
  • PAGBIBIGAY NG PANUTO
    Isang paraang malinaw, simple, tiyak at madaling
    maunawaan
  • PAGBIBIGAY NG KOMENTO
    Kadalasang nangyayari ito pagkatapos manood ng
    pelikula o di kaya ay pagkatapos makinig ng isang
    talakayan, seminar, lektyur, forum atbp
  • MASINING NA PAGKUKUWENTO
    Pagkukuwento sa malikhaing paraan
  • PAKIKIPAGPANAYAM
    Ito ay pangangalugad ng impormasyon o kabatiran
    nang harap-harapan
  • BALAGTASAN
    Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig
    ukol sa isang paksa
  • PAGTATALUMPATI
    Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
    tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan
    ang kanyang pangangatwiran sa paksang
    tinatalakay.
  • KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA
    May maayos na personalidad, wastong pananamit at
    kagalang-galang na tindig.
  • STAGE FRIGHT o GLOSSOPHOBIA
    Ito ang takot sa pagsasalita sa harapan ng madla.
    Ang mga taong may glossophobia ay karaniwang
    nakararanas ng takot o anxiety tuwing nagsasalita sa
    publiko na nagreresulta upang sila ay umiwas sa
    pakikipag-usap sa iba para hindi mapagtawanan o
    mapahiya.
  • Manipestasyon:

    panginginig ng kamay, pangangatog
    ng tuhod, kawalan ng ganang kumain, pananakit ng
    tiyan, di-pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal,
    pagkalimot ng sasabihin, paninigas sa pagkakatayo,
    kawalan ng panuunan ng paningin, biglang pagbilis ng
    pulso at mataas na presyon ng dugo.