PPTTP - Tekstong Deskriptibo

Cards (19)

  • Tekstong deskriptibo - may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitasyon, atbp.
  • Tekstong deskriptibo - mapaunlad ang kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
  • Subheting paglalarawan - nakabatay lang sa mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa totoong buhay. Nababasa ang mga ganitong paglalarawan sa mga gawang kwento.
  • Obhetibong paglalarawan - may pinagbabatayang katotohanan. Maaaring gumamit ng sariling salita sa paglalarawan dahil hindi p'wedeng maglagay ng mga detalyeng walang kaugnay sa paksa.
  • Paglalarawan ng Tauhan - Nagiging mabisa ang ginagawang paglalarwan kung halos nabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri.
  • Paglalarawan ng Damdamin o Emosyon - makakatulong na makakonekta ang mambabasa sa tauhan kung nagsasaad ito ng emosyon ng mga tauhan.
  • Paglalarawan ng Bagay - mailarawang mabuti para madama at makita ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang katangian nito
  • Paggamit ng kohesyong gramatikal sa pagsulat ng tekstong deskriptibo - nakakapagbigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
  • Reperensiya - salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan
  • Anapora - kung kailangan bumalik sa teksto para malaman kung ano o sino ang tinutukoy
  • Katapora - nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ang ang tinutukoy sa dulo.
  • Substitusyon - paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na ulitin ang salita
  • Elipsis - may ibinabawas, pinaiikli at inaasahang maiintindihan pa rin
  • Pang-Ugnay - halimbawa nito ay 'at' nag-uugnay ng mga sugnay
  • Kohesyon Leksikal - ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng kohesyon
  • Reiterasyon - ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses
  • Pag-iisa-isa - iniisa-isa ang mga detalye
  • Pagbibigay-kahulugan - pagbibigay ng kahulugan sa isang bagay
  • Kolokasyon - salitang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa