filsala aralin 1

Cards (26)

  • Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
  • Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Berbales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang
  • impormatibong pagsulat - (kilala rin sa tawag na expository writing) ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.
  • mapanghikayat na pagsulat - (kilala rin sa tawag na persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
  • malikhaing pagsulat - ay ginagawa ng manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain
  • BAGO MAGSULAT (PRE-WRITING) - Sa hakbang na ito ang paghahanda sa pagsulat. - Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
  • MULING PAGSULAT (REWRITING) - Ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramatika, bokabolaryo at pagkasunod-sunod ng mga ideya o lohika.
  • AKTWAL NA PAGSULAT (ACTUAL WRITING) - Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. - Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
  • WIKA - magsisilbing behikulo
  • PAKSA - magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat nakapaloob sa akda
  • LAYUNIN - magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
  • PAMAMARAAN NG PAGSULAT a. Paraang Impormatibo b. Paraang Ekspresibo c. Paraang Naratibo d. Paraang Deskriptibo e. Paraang Argumentatibo
  • Paraang Impormatibo - magbigay ng impormasyon o kabatiran ng mga mambabasa
  • Paraang Ekspresibo - Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaring magdulot sa bumabasa ng kaligayahan, kalungkutan, pagkakatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat.
  • Paraang Naratibo - magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
  • Paraang Deskriptibo - maglarawan ng mga katangian, anyo,hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.
  • Paraang Argumentatibo - naglalayong manghikayat o magumbinsi sa mga mambabasa. - Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan
  • KASANAYANG PAMPAG-IISIP - dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaano mahalaga, o maging ang mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
  • KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN SA PAGSULAT - pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika
  • KASANAYAN SA PAGHAHABI NG BUONG SULATIN - kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan
  • MALIKHAING PAGSULAT - maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa. - Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang isip lamang.
  • TEKNIKAL NA PAGSULAT - espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan ng maging ang manunulat mismo.
  • PROPESYONAL NA PAGSULAT - nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
  • DYORNALISTIK NA PAGSULAT - uri ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. - Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain
  • REPERENSYAL NA PAGSULAT - naglalayong magrekomenda ng iba pang sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa tiyak na paksa.
  • AKADEMIKONG PAGSULAT - Halos lahat ng pagsulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas primasya hanggang doktoradong pag-aaraal.