BARMM-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Ang kultura ay natutunan at naipapasa. Dito makikilala ang pamumuhay ng tao sa isang nasyon. Pinaghalong tradisyon ng paniniwala.
3Gamit ng Kultura
Ekspresyon, Mekanismo, Simplikasyon
Lipunan-nagsisilbing tanghalan ng mga kaugalian, halagahan at mithiin
Lolo Jose- tawag ni Anderson kay Dr. Jose P. Rizal
Ambeth Ocampo- namagha sa interes ng banyaga na pag-aralan ng kultura na mayroon ang Pilipinas
Ang nasyon ay isang social construct. Hindi katumbas ng lahi ang nasyonalidad. Ito ay ang napagkasunduan ng mga grupo ng tao.
Ang nasyon ay nalilikha sa pagsasalo ng wika, kasaysayan at paniniwala.
Catalonia- isa sa 17 semi-autonomous region ng Espanya.
Catalan Referendum- hinahangad ng nasabing referendum ng isang bagong modelo ng pang-ekonomiya at mas pagkilala sa wikang Catalan.
Ang Catalonia ay isa sa pinakamayamang rehiyon sa Espanya. 20% ng kita ng Espanya ay mula sa Catalonia.
Chosen-Gakko- paaralan kung saan tinuturuan ng mga North Koreans ang iba pang koreano ng wika, kultura, kasaysayan at paniniwala.
Dalawang kultura at paghiraya na naharang ng Chosen-Gakko
Kultura ng South Korea
Kultura ng Hapon
Pagkatalo ng Japan sa WW2- Tinulungan ng Amerika ang South Koreans, Tinulungan ng Soviet Union ang mga North Koreans
Nakalikha ng nasyon ang mga Koreano sa loob ng isa pang nasyon-Japan.
Hongkonger- tawag sa naninirahan sa Hongkong
Isa sa bawat limang naninirahan sa Hongkong ay kinikilala ang kanilang sarili bilang isang Tsino.
Ang Hongkong ay naging kolonya ng Britanya, dahil dito lumakas ang kanilang ekonomiya.
One Country, Two Systems- ang Hongkong ay magiging bahagi ng Tsina ngunit mananatiling mataas ang awtoridad ng Hongkong.
Tatagal ng 50 years ang kasunduang One Country, Two Systems.
Nagkaroon ng treaties sa pagitan ng Tsina at Britanya kung saan papamahalaan ng Britanya ang Hongkong sa loob ng 99 na tao, at ang Tsina na pamamahalaan ito sa loob ng 50 taon.
Ang pagpapatayo ng Shenzhen Bay Bridge ay isa sa mga hakbangin ng Tsino para manataling kabahagi nila angHongkong.
Ginagamit ang wikang Mandarin bilang midyum sa pagbabalita sa telebisyon, gayun din ang paggamit ng pambansang awit ng Tsina.
Cantonese ang pangunahing wika sa Hongkong.
Factors sa Pagbuo ng Pamayanan at Nasyon
Hindi lahi o race ang magdidikta ng pagiging nasyon
Nabubuklod din ng relihiyon ang mga tao
May classical communities bago magkaroon ng mga imagined communities
Ayon kay Anderson, tahimik at patuloy na kumakawala ang nobelang Noli Me Tangere mula sa pagiging piksiyon patungo sa pagiging realidad.
Ayon kay Mojares, ipinapakita sa Noli Me Tangere ang paraan ng pag-iisipng mga tao sa panahon ng mgaEspanyol.
Ang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago ay halimbawa ng imagined na pamayanan sa Pilipinas
Isa sa maaaring maging bagabag ay ang pagtingin sa wika bilang tagapagbigkis ng pamayanan. May panganib ito sa isang bansang gaya ng Pilipinas na maraming rehiyonal na wika.
Ang mall ang lunan kung saan maaaring mamili, kumain, manood ng pelikula, maglibang, magbayad ng bills, magpagupit ng buhok, magpamasahe, bumili o magpalinis ng alagang hayop, may mga mall na rin na may klinika at laboratoryo sa loob.
Ayon kay Tolentino ang kapaligiran nito ay: may pantay na ilaw, malinis, malamig, may mga puno, walang basura, nagpa-flush ang toilet, maayos ang serbisyo, at walang krimen (313)
Mall
kuna ng opresyon para sa manggagawa na hindi maregular.
espasyo na sumisimbilo ng hindi pagkakapantay-pantay para sa pagod na tauhan na nagbebenta ngunit walang pambili.
hindi nagsasalo sa iisang realidad ang mga tao sa iisang lunan.
Ang mismong istruktura ng mall ay may politika. Matatagpuan ang mga espesyalisadong tindahan sa mataas na bahagi ng mall.
Ang akto ng pagkakaligaw sa mall ay hindi aksidente, bagkus ay isa ring estratehiya. Ayon kay Tolentino, sadyang nakalilito ang disenyong mall upang mapasadahan ngmga mamimili ang bawat tindahan na mas nagpapalakas sa pagkakataong mag-impulsive buying.
Ayon kay Tolentino ang sumusunod ay ang tatlong pananaw sa kulturang popular bilang terrain ng tunggalian.
Institusyonal na Pananaw
Popularistang Pananaw
Ikatlong Pananaw
Sa pananaw na institusyonal, naging popular ang isang partikular na kultura dahil ito ang ipinalaganap ng naghaharing uri.
Sa pananaw na popularista, ang pagiging popular ay idinidikta ng mga taong tumatangkilik.
Sa ikatlong pananaw, may kapangyarihan ang tao ngunit ang kapangyarihang ito ay limitado ng kaniyang indibidwalidad o subkultura.
Nagiging midyum ang mall sa pagpapakilala ng kultura ng ibang bansa sa Pilipinas, ng globalisasyon
artipisyal ng danas sa mall
winter coat na yari sa ibang bansa, French bread mula sa aniya ay nagpapanggap na French bakeshops, mga franchised dermatological shop, ice skating,