PAGPAN

Subdecks (1)

Cards (24)

  • Ang pagbabasa ay isang kakayahan kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbolo at nauunawaan ang kahulugan nito
  • Ang pagbabasa ay isang proseso dahil kailangan munang makilala ng mambabasa kung ano ang kinakatawan ng mga simbolo o salitang nakita
  • Ang kritikal na pagbasa ay isa ring proseso dahil mabuting inuunawa ng mambabasa ang nakasulat na akda
  • Sa kritikal na pagbasa, kasama ang pagsusuri sa kahalagahan ng impormasyong nakuha ng mambabasa sa akda at kung paano o saan ito mailalapat
  • Mga kasanayang kailangan ng mambabasa:
    • Nakakikilala ng mga salita (Word perception/recognition)
    • Nakauunawa sa tekstong binabasa (Comprehension)
    • Nakauunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan dito (Decoding)
    • Nabibigkas nang wasto ang mga titik na bumubuo sa salita (Fluency)
    • Nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayahang bokabularyo (Vocabulary)
    • Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan (Literary appreciation)
  • Mga teorya sa pagbasa:
    • Teoryang Bottom-up: Sinasabi na ang proseso ng pagbabasa ay kapag sinusubukan ng mambabasa na maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng pagtingin ng kahulugan ng salita o uri ng balarila ng isang payak na yunit ng teksto
    • Teoryang Top-down: Nahihinuha ng mambabasa ang susunod na pangyayari gamit ang kaligirang impormasyong alam na niya
    • Teoryang Interaktibo: Mas mainam na pagsamahin ang teoryang bottom-up at top-down upang lubusang maunawaan ang isang akda
    • Teoryang Iskema: Ang konsepto na maaaring pag-ugnayin ang isang bago o komplikadong konsepto base sa dati nang kaalaman o prior knowledge
  • Dimensiyon ng pagbasa:
    • Unang Dimensiyon (Pag-unawang Literal): Tinutukoy ng mambabasa ang mga ideya mula sa impormasyong nabasa sa teksto sa pamamagitan ng literal at tuwirang gamit ng mga salita
    • Ikalawang Dimensiyon (Interpretasyon): Nababatid ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-akda at nakapagmamalas siya ng pang-unawa sa mga impormasyong nakuha
    • Ikatlong Dimensiyon (Mapanuri o Kritikal na Pagbasa)
  • Masaklaw na Pagbasa (Skimming):
    • Pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagbabasa
    • Nakatuon sa pamagat o heading ng talata at simula lamang ng pangungusap upang makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang pangkalahatang layunin nito
  • Masusing Pagbasa (Scanning):
    • Masusing pagtingin sa babasahing material
    • Ginagamit kung may tiyak na impormasyon na nais hanapin ang mambabasa
    • Layunin na makuha ang mahahalagang detalye o kaisipang ipinahahayag sa teksto
  • Pagalugad na Pagbasa (Exploratory Reading):
    • Ginagawa kung ibig malaman ang kabuuan ng isang babasahin
    • Angkop sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin o maikling kuwento
  • Mapanuring Pagbasa (Analytical Reading):
    • Sinusuri ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe
    • Nahahasa ang kahusayan ng estudyante sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip
  • Kritikal na Pagbasa (Critical Reading):
    • Sinisiyasat ang mga ideya at saloobin ng teksto
    • Pinag-iisipan kung wasto ang impormasyon
    • Masusuri ang kalakasan at kahinaan ng mga paksa at ang kaugnayan nito sa estilo ng pagsusulat ng may-akda
  • Malawak na Pagbasa (Extensive Reading):
    • Nagbabasa ng iba't ibang akda bilang libangan at pampalipas oras
    • Pinipili ang mga aklat na interesante tulad ng magasin, komiks, o anumang akda na nakatatawa o magaang basahin
  • Malalim na Pagbasa (Intensive Reading):
    • Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbasa kapag nag-aaral o nagsasaliksik
    • Paghahanda sa pag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon
  • Maunlad na Pagbasa (Developmental Reading):
    • Sumasailalim sa iba't ibang antas ng pagbabasa upang mahubog ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa
    • Ginagabayan ng guro ang estudyante upang mapaunlad ang antas ng pagbasa at maging mapanuri at mapagsiyasat kapag nagbabasa
  • Tahimik na Pagbasa (Silent Reading):
    • Ginagamit ang mga mata sa pagbabasa
    • Nakatutok sa tekstong binabasa upang ganap itong maunawaan
  • Malakas na Pagbasa (Oral Reading):
    • Binibigkas ang teksto o kuwentong binabasa sa paraang masining at may damdamin
    • Malinaw at malakas ang boses
    • Wasto ang pagbigkas at angkop na tono habang nagbabasa upang makuha ang atensiyon ng mga tagapakinig
  • Proseso ng Pagbasa:
    • Persepsiyon o Pagkilala: pagkilala sa mga simbolong nakasulat at kakayahan na makilala ito sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga tunog
    • Komprehensiyon o Pang-unawa: nauunawaan ang nakasulat na salita o simbolo batay sa nakalap na impormasyon
    • Reaksiyon: nagbibigay ng puna, saloobin, pasiya, o hatol tungkol sa akdang binasa
    • Asimilasyon o Integrasyon: pagsasama, pagsasanib, at pag-uugnay ng nakaraang karanasan at bagong karanasan sa buhay