Yunit 1

Cards (25)

  • Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabagong bihis ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards, labor mobility, at ASEAN integration.
  • Batid ng mga nagpanukala ng nasabing pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na interantional standards dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral.
  • Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo.
  • Kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.
  • Nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag gamit ng wikang Ingles sa K to 12.
  • TANGGOL WIKA - Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Ang tagapag-salita ay si Dr. Bienvenido Lumbera
  • 2015 - pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED Memorandum Order
    (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema.
  • 2019 - Tuluyan namang binawi ng Korte Suprema ang TRO, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena
  • Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo.
  • Agosto 2014 - nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”
  • Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. 
  • •Posisyong papel – Ito naman ay may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University.
  • Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya.
  • Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika.
  • Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.
  • Taong 2014 - noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”.
  • Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
  • Kasabay ng mga pagbabagong dulot ng internasyonalisasyon at globalisasyon ay tila paglamlam din ng pagunawa at pagluwag ng yakap ng mga Pilipino sa sariling wika.
  • Nasasaad sa ikalawang talata ng Artikulo XIV,
    Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas na;
    “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.”
  • Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
  • Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami.
  • Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong 12 Reasons to Save the National Language.
  • Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon.
  • Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997.
  • ‘’ Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit nakamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.”Manuel l. QuezonOn National Language