ARAL PAN 9_ 3RD MID TERM REVIEWER

Cards (29)

  • Produksiyon: organisadong pamamaraan ng transpormasyon ng iba’t ibang pinagkukunang yaman upang maging isang kompleto o pinal na produkto o serbisyo
  • Salitang ugat ng produksiyon: produce, nagmula sa salitang Latin na producere na nangangahulugan ng “paglikha” o “pagbuo,” o “lead or bring forth” “draw out”
  • Lupa: likas na yaman ng kalikasan
  • Lupa: pinagmumulan ng espasyo kung saan nagaganap ang proseso ng produksiyon
  • Paggawa (Labor): pinagmumulan ng lakas-paggawa na kinakailangan sa paglikha ng mga produkto o serbisyo
  • Kapital: kahit anong bagay na gawa ng tao na nakatutulong sa produksiyon
  • economic goods: mga produkto o serbisyong kinonsumo ng isang konsyumer
  • capital goods: kasangkapan sa paglikha, tulad ng makinarya o teknolohiya, na mahalaga sa pagpapataas ng kapasidad sa paglikha ng iba’t ibang produkto o serbisyo
  • Entreprenyur: indibidwal, grupo ng indibidwal, o organisasyon na nangangasiwa sa proseso ng produksiyon
  • Primaryang Produksiyon: extractive na aktibidad kung saan kinukuha ang mga bagay na maaaring mapakinabangan mula sa mga likas na yaman
  • Sekundaryang Produksiyon: pagmamanupaktura ng mga hilaw na materyales upang magamit sa paglikha ng iba pang produkto o serbisyo
  • Tersiyaryong Produksiyon: iba’t ibang ahensiya o industriya na namamahala sa pamamahagi o distribusyon ng mga produkto o serbisyo sa mga konsyumer
  • Karapatan sa mga batayang pangangailangan: karapatan ng isang konsyumer na matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, inumin, tahanan
  • Karapatan sa kaligtasan: karapatan ng isang konsyumer na mabigyan ng mga ligtas na produkto at serbisyo para sa pagkonsumo
  • Karapatan sa impormasyon: karapatan ng isang konsyumer na mabigyan ng tamang impormasyon hinggil sa produkto o serbisyo
  • Karapatang pumili: malaya ang isang konsyumer na pumili ng anumang produkto o serbisyo na nais niyang bilhin
  • Karapatang katawanin: karapatan ng konsyumer na magkaroon ng kinatawan sa pamahalaan upang maipahayag at matiyak ang kaniyang karapatan
  • Karapatan sa pagwawasto mula sa maling pagrerepresenta: karapatan ng isang konsyumer na mabigyan ng wastong kompensasyon kung sakaling napahamak sa pagkonsumo ng produkto o serbisyo
  • Karapatan sa edukasyong pangmamimili: karapatan ng isang konsyumer na mabigyan ng wastong impormasyon at edukasyon upang mas magkaroon siya ng idea sa kaniyang mga karapatan bilang isang mamimili
  • Karapatan sa maayos na kapaligiran: karapatan ng isang konsyumer na mamuhay sa isang maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran
  • Pagkakaroon ng kritikal na kamalayan: responsabilidad ng isang konsyumer na maging masusi sa mga produkto o serbisyo na binibili
  • Pagkilos: responsabilidad ng konsyumer na igiit ang kaniyang mga karapatan bilang isang mamimili upang maprotektahan ito laban sa mga mandaraya at nanlalamang na negosyante
  • Malasakit sa kapuwa: responsabilidad ng konsyumer na pag-isipan ang maaaring maging epekto sa kaniyang kapuwa ng kaniyang gagawing pagkonsumo
  • Malasakit sa kapaligiran: pagsasabuhay ng napapanatiling paggamit (sustainable consumption) kung saan isinasaalang-alang ang epekto sa kapaligiran sa bawat pagkonsumo
  • Pakikiisa: tungkulin ng isang konsyumer na makiisa sa mga kapuwa konsyumer upang magkaroon ng mas malakas na puwersa sa pagsusulong ng kanilang mga karapatan
  • Gumagawa ng pananaliksik: mainam na magsaliksik hinggil sa iba’t ibang impormasyon tungkol sa produkto bago bilhin ito
  • Maingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon: siguruhin muna ang dahilan ng paggagamitan ng mga ito mula sa pinagbibilhan upang mapanatili ang pagiging pribado ng mga ito
  • Hindi nagpapadalos-dalos sa pamimili: mag-ingat sa sense of urgency ng mga negosyante upang hindi madaliang gumastos
  • e-commerce: ay isang daglat para sa  electronic commerce.