pagpag aralin 1

Cards (21)

  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • isang uri ng babasahing di-piksyon.
    • Isinusulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa.
    • Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa mga dalubhasa.
  • Halimbawa ng Tekstong Impormatibo
    Balita
    Artikulo
    Dyornal
    Ulat
    Pananaliksik
  • LAYUNIN NG MAY AKDA
    • Maaaring magkaiba-iba ito sa mga may-akda sa pagsulat ng isang tekstong impormatibo.
    • mapapansing kaugnay ito ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
  • PANGUNAHING IDEYA
    • Dagliang inilalahad ang mga ito at suportang ideya sa mambabasa upang mas kaagad nitong maunawaan ang mga impormasyong binabasa.
  • PANTULONG KAISIPAN
    • mga detalyeng makatutulong upang makabuo sa isipan ng mambabasa.
  • KREDIBILIDAD NG MGA IMPORMASYON
    • Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo upang malitis ang kredibilidad nito
  • PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI
    • Inilalahad sa tekstong ito ang totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
    • Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan
    • maaari din hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa makatotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba.
  • PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI
    • Mayroon itong sinusundang hakbang sa pagbuo, ito ay ang panimula, katawan, at kongklusyon.
  • PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI
    • Halimbawa: Historikal (Kasaysayan)
    • Mga Balita
  • PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
    Inilalahad ang mahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di-nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
  • PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON
    • Halimbawa: Teknolohiya Global Warming Cyberbullying
  • PAGPAPALIWANAG
    • Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
  • PAGPAPALIWANAG
    • Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa kalagayang ito.
  • GLOBALISASYON
    • proseso ng internasyonal na pagsasama-sama bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya at iba pang aspeto ng kultura mula sa iba't ibang bansa.
  • GLOBALISASYON
    • Ito ay tumutukoy sa paraan kung papaano nagiging pang-internasyonal ang lokal o pambansang gawi gaya na lamang ng mga sumisikat na trends, pagkain, kanta, at palabas na nagiging malaking bahagi na ng pamumuhay ng iba't ibang tao.
  • GLOBALISASYON
    naipapasa sa mga tao sa iba't ibang panig ng mundo ang mga kaisipan tungkol sa ekonomiya, teknolohiya, kultura atbp.
  • GLOBALISASYON
    ginagawang magkakasama ang buong daigdig. Ang lumalawak na pandaigdigang pagsasama-samang ito ay nagdulot ng pangkalahatan at kawing-kawing na mga resulta ng pagbabago sa ekonomiya, politika, kultura, at kapaligiran.
  • GLOBALISASYON
    • nagkakaroon ng pagpapalitan at pagtutulungan o interdependence sa pagitan ng mga bansa.
  • GLOBALISASYON
    • Nagbigay at patuloy na nagbibigay daan ito upang magkaroon ng interconnection ang iba't ibang bansa at tumutulong din ito upang sumulong ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpasok ng makabagong teknolohiya at pagbilis ng palitan ng impormasyon.
  • ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    1. layunin ng may akda
    2. pangunahing ideya
    3. pantulong kaisipan
    4. kredibilidad ng mga impormasyon
  • MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    1. paglalahad ng totoong pangyayari
    2. pag-uulat pang-impormasyon
    3. pagpapaliwanag