Pagbasa

Cards (43)

  • pagbasa ay isa sa pangunahing kailangan sa pagkatuto o literacy
  • Halos 80% ng mga bagay sa ating paligid ay binabasa o kailangang basahin
  • Pagbasa ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa tekstong nakalimbag o wikang binibigkas
  • Karaniwan itong ginagawa para malibang, matuto o mapalawak ating kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang konsepto
  • Dalawang salita na naglalarawan sa pagbasa: kognitibo at kasanayan
  • Kognitibo: ginagamit ang pag-iisip upang makaalam at makaunawa ng bagong impormasyon
  • Kasanayan: tumutukoy ito sa isang kakayahan na kailangang paunlarin
  • Pagbasa ay isang kakayahan na dapat gawin nang wasto at paulit-ulit upang makakuha at makaunawa ng mahahalagang impormasyon gamit ang ating pag-iisip
  • Ang pagbasa ay produkto ng dalawang kognitibong elemento: language comprehension at decoding
  • Language comprehension: pag-unawa sa wika
  • Decoding: pag-unawa sa nilalaman
  • Sight word: estratehiya ng decoding, salitang madalas na mabasa sa mga akda
  • Visualization: paggamit ng imahinasyon para maunawaan ang kabuluhan ng binabasang teksto
  • Graphic organizer: biswal na representasyon ng mga konseptong pagtutuunan ng pansin sa pagbabasa
  • Venn diagram: ginagamit upang maghambing ng dalawa o higit pang elemento tulad ng mga tauhan sa teksto
  • Process flowchart: ginagamit para sa banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • Hierarchy or List chart: ginagamit para sa paglilista ng iba pang elemento, katangian, o konsepto na inilahad sa isang teksto
  • Guided reading o ginabayang pagbasa: paglilista ng mga tanong tungkol sa babasahing teksto
  • Summarizing: pagbubuod ng teksto
  • Pagbasa gamit ang iskema: paggamit ng kaalaman sa pag-unawa at pagbibigay kahulugan sa mga bagay na nababasa natin sa paligid
  • Iskema: kolektibong kaalaman at karanasang nakaimbak sa ating isipan
  • Dating kaalaman: mga bagay na naranasan o natutuhan ng mambabasa
  • Kaalaman sa gramatika at bokabularyo: kaalaman sa kahulugan ng mga salita, estruktura ng wika
  • Interaktibong proseso ng pagbasa: ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang teksto
  • Modelong top-down o reader-based approach: mambabasa ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
  • Modelong bottom-up o text-based approach: teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
  • Metacognition: kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong iniisip
  • Metacognitibong pagbasa: pagpapakahulugan, pagbubuo ng katanungan, pagbibigay hinuha o pagkukuro at pagbubuo ng kaisipan ukol sa binasa
  • Bago Magbasa, Habang Nagbabasa, Pagkatapos Magbasa: Tatlong Yugto ng Pagbasa
  • Anotasyon: pagkilala sa kahulugan ng mga salita, pagbuo ng mga tanong sa isipan ng mambabasa
  • Pag-aanalisa: pagsusuri ng katotohanan at kongklusyon ng mga pahayag ng may-akda
  • teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto
    interaktibong proseso ng pagbasa
  • tekstong impormatibo ay tekstong nagbibigay o nagtataglay na tiyak na impormasyon tungkol sa tao, bagay, lugar o pangyayari.
  • dalawang uri ng impormasyon tuwiran at hindi tuwiran
  • tuwiran ang impormasyon ay mula saorihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o may akda
  • hindi tuwiran ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba
  • balita ito ay impormasyon tungol sa napapanahong pangyayari
  • patalastas ito ay anunsiyo tungkol sa produkto, serbiyo, o okasyong nais ipaalam sa publiko
  • anunsiyo ito ay pormal na naglalahad sa publiko tungkol sa isang katunayan, intensyon, gawain o pangyayari dapat malaman ng mga tao
  • memorandum ito ay dokumentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa kautusang isasagawa, o dapat sundin o hindi kaya ay naglalaman ng pagbabago sa isang kautusang dati pang naipatupad