filipino

Cards (45)

  • Pagbasa karanasan ng tao para mabuhay.
    proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasahing kayang isinulat.
  • Mc Carthy, 1999 - pagbasa ay may isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa mga titik na bumubuo sa mga salita na nakalmbag sa bawat pahina.
  • Lapp at Flood, 1978 - lahat ng pagpapakahulugan sa pagbasa ay patungo sa dalawang kategorya:
    • 1.)pagbibigay kahulugan sa mga kodigo at simbolo at 2.) sa nabasa.
  • James Dee Valentine, 2002 - pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak o tinatawag na mental food.
  • Teorya ng Bottom-Up
    • teorya ni Gough na isang tradisyunal na pananaw ng pagbasa.
  • Up - patungo sa mambabasa 
  • Teoryang Top - Down 
    • pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang papapasimula ng pakilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya mabibigyang- kahulugan ang anumang babasahin.
  • Teoryang Interactive/Transactive
    - Rumelheart (1980), kumbinasyon ng naunang dalawang nabanggit na modelo
  • Teoryang Skimming
    • layon ng mambabasa ay kumuha ng pangkalahatang impresyon sa teksto gayundin ang lawak at sakop na ideyo niyon, ang pagbasa ay nasa uring pahapyaw o skimming. Ito rin ang ginagawang pananaliksik sa internet.
  • Teoryang Scanning
    • pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin, detalyado.
    • Bago magbasa -inihahanda muna ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagganyak na Gawain at mga nakabiting katanungan bilang gabay.
    • Habang bumabasa - isagawa ang pagtatala at pagsagot sa isip sa mga katanungang ibibigay sa simula.
    • Matapos ang pagbasa - handa na ibahagi ng mambabasa ang kanyang mga nalaman sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan o di kaya pagsulat ng kaugnay na tekso.
  • Pagsulat ayon kay;
    Villafuerte, et al, 2005 Itinuturing na lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao ang pagsulat.
    Bernales, 2001 - pagsasalin sa papel o anumang kaasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga anbuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan.
    Xing at Jin, 1989 - naglalaman ng kakayahang panggramatika, wastong gamit ng salita, pagbuo ng kaisipan at retorika. ♡ Badayos, 2000 - totoong mailap para sa nakararami ang pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
  • Layunin ng Pagsulat
    Personal - na gawain ito kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning ekspresibo sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.
    Sosyal - na gawain naman kung ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito'y nakikisangkot ng pakikipaguganayan sa iba pang tao sa lipunan (layuning transaksyunal).
    Ekspresib - paggawa ng tula ng mga makata
    Transaksyunal - paggagawa ng mga liham.
  • Impormatib na Pagsulat (Expository Writing) - pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa kibro at ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report.
  • Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive Writing) mga editorial, sanaysay, talumpati ay maaaring may layuning makapanghikayat.
  • Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) - maikling katha, nobela, dula, at iba pang malikhain o masining na akda.
  • Prewriting Stage / Gawain Bago - kinakailangang maging mapagmasid upang makapili ng paksang susulatin.
  • Prewriting Stage / Gawain Bago - kinakailangang maging mapagmasid upang makapili ng paksang susulatin.
    • Pagsulat ng Burador tuloy-tuloy na agos ng diwa at babalikan niya ang sinulat upang ayusin, baguhin o iwasto ang mga kaisipang naisulat sa sariling pamamaraan ng isang nagsusulat.
  • Revising - muli niyang babasahin.
    • Editing iwawasto ang mga salita maging ang ideya .
  • Pananaliksik - maagham na pagkuha at pagpapalagaanp ng mga tala upang masubok ang teorya nang sagayon ay malutas ang isang suliranin.
  • Kerlinger, 1973 - sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga prosisyong haypotetikal.
    • Good, 1963  isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
  • Aquino, 1974 - detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • Manuel at Medel, 1976 - proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
  • Parel, 1966 - sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
  • E. Trece at J. W. Trece, 1973 - pagsubok para makakuha ng mga sagot ng mga walang katiyakan. Pag-ipon ng impormasyon datos sa isang kontroladong kalagayan para mahulaan.
  • Calderon at Gonzales , 1993 -sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-ipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga limitadong kaalaman at pagpakita ng pag- unlad sa buhay ng tao.
  • C. Francisco, 2017 - iskolarling gawain kung saan maiangat at sistematikong kinakalap, ang sinisiyasating datos tungo sa pagtuklas ng bagong kaalaman.
  • Katangian ng Mananaliksik:
    Masipag at Matiyaga kailangan ang walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik Kailangan din ang tiyaga at lubos na pasensiya, malawak napang-unawa sa mga nakakasalamuhang tao habang nangangalap ng datos.
  • Maingat - kinakailangang maingat niyang maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa kanyang ginagawang sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop na pagkilala ang mga too, awtor, at iba ang pinagkunan niya ng datos at maingat niya itong maisama sa kanyang inihahanda ng sulatin.
  • Masistema - maayos at may sistema ang kanyang mga hakbang upang walang makalimutang datos detalye na kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik.
  • Mapanuri kailangang na magkaroon ng batayan upang mabigyan ang magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap 
    • Intellectual Property Rights kailangan ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik
  • Primarya o Pangunahing Sanggunian - orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa o pag-aaralan. Maari itong nagsisimula sa sinasabi ng nakasaksi.
  • Sekundaryang Datos - archive (artsibo) materyal mula sa Aklat, palabas, manustrito, pahayag ng isang tao o buod ng anumang akda.
  • Pangkalahatang Reperensya (General References) - artikulo, monograp, aklat at iba pang-uri ng dokumento na agad na tutugon sa suliranin ng pananaliksik. Makikita ito sa mga indeks at abstrak.
  • Pangunahing Batis (Primary Sources) - saan inilalahad ng mananaliksik ang resulta ng kanilang pag-aaral. Karaniwang halimbawa nito ang dyornal.
    • Sekondaryang Batis (Secondary Sources) inilalarawan ng awtor ang resulta ng pag- aaral na isinasagawa ng ibang mananaliksik. Halimbawa nito ay mga teksbuk.