Teoryang Pampanitikan

Cards (30)

  • Teoryang Pampanitikan - Isang sistema ng mga kaisipan at
    kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan
    ng tungkulin ng panitikan, kabilang ang
    layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin
    ng tekstong pampanitikan na ating binabasa.
  • Humanismo - Pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya't kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
  • Moralistiko - Gabay patungo sa kabutihan
  • Moralistiko - Katwiran at wasto batay sa batas ng Diyos
  • Sosyolohikal - Ang teoryang ito ay may paksang nagbibigay ng
    kaapihang dinanas ng tauhan
    sa kuwento. Ang akda rin ay
    nagiging salamin sa mga tunay
    na nangyayari sa lipunan.
  • ROMANTISISMO - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
  • EKSISTENYALISMO - Diin sa pagbuo ng desisyon ng tauhan - Lakas ng paninindigan ng tauhan na bumalikwas sa kanyang kalagayan - Tao malava responsable at indibidwal
  • MARKISMO - Pinapakita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa, malakas at mahina, matalino at mangmang, mayaman at mahirap, duwag at matapang.
  • Naturalismo - Buhay ay marumi, mabangis at walang-awang kagubatan Kapangitan ng buhay
  • Naturalismo - Tao ay produkto ng kanyang paligid
    • Pesimista ang tao
  • FEMINISMO - ito ay tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda
  • Realismo - Binibigyang pokus nito ang realidad ng buhay tulad ng kahirapan, korapsyon, diskriminasyon at iba
  • Sikolohikal - Makikita ang takbo ng isipan ng may katha Antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at tumatako sa isipan ng may akda
  • Arketaypal - nagmula sa konsepto ni Carl Jung tungkol sa "arketaypo," na mga pangunahing simbolo o imahe na naglalaman ng kahulugan at karanasan na universal sa lahat ng kultura.
  • Klasismo - pampanitikan na naglalayong bigyang-diin ang h mga akda na nagtataglay ng mataas na kalidad, at itinuturing na mga klasikong obra.
  • Formalismo - ay naglalayong suriin ang estruktura ng isang akda at ang mga elemento nito, tulad ng wika, estilo, at istruktura, nang hindi binibigyang-pansin ang konteksto ng may- akda o ang kanyang layunin.
  • Dekontruksyon - ay hindi hanapin ang tiyak na kahulugan o katotohanan sa isang teksto, kundi ang pagbukas ng iba't ibang interpretasyon at pagtatanggal ng mga naisusulong na kapani-paniwala.
  • Teorya - ay isang pagsusuri o paliwanag na naglalayong maunawaan ang mga pangyayari o konsepto.
  • Panitikan - tumutukoy sa sining ng pagsusulat o sa mga likhang isinulat ng tao, kabilang ang mga tula, kwento, dula, at iba pang akdang pampanitikan.
  • Ang Guniguni - sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, sa malikot na pananaw ng makata ay hindi niya makakaligtaan ang gumamit nito. Ito ay nakaradagdag ng madali sa kahalagahan ng alinmang akdang sining.
  • Ang Sagimsim - Ang labis na kapootan, walang kahulilip na kagalakan at kapighatian ay siyang pinamumulaklakan nito.
  • Simbolo - Ayon kay Landicho (1972), ito ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumatawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala o kaisipan.
  • TAYUTAY - ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
  • Gumagamit din ito ng mga di-literal na pananalita upang maging mabisa ang ibig sabihin ng pahayag.
  • Ang Panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig.
  • Ang panitikan ay bungang isip na isinatitik. Mayaman ang makata't manunulat sa imahinasyon.
  • Ang panitikan ay matibay at panghabambuhay na pagpapahayag ng mahalagang karanasan ng tao sa mga salitang mahusay na pinili at iniayon
  • sawikain o idyoma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
  • LITERATURANG PANGGAWAIN- Layunin ng literaturang ito ang mapagpapalaganap at magbigay ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng gawain.
  • LITERATURANG MALIKHAIN- naglalayong gumising at pumukaw ng damdamin at guniguni ng mga mambabasa. Maaaring maging layunin nito ang manturo, humihikayat at magbigay ng kasiyahan sa mambabasa. Ang