Filipino

Cards (40)

  • Retorika: ito ay tumutukoy sa sining ng magandang at kaakit-akit na pagpapahayag.
  • Retorika: Pag-aaral upang magkaroon ng kasingan at kahusayan ang isang indibidwal sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa kanyang pagsulat at pagsasalita.
  • Retorika Bilang Isang Sining:
    1. Isang Kooperatibang Sining
    2. Isang Pantaong Sining
    3. Isang Temporal na Sining
    4. Isang Limitadong Sining
    5. Isang May Kabiguang Sining
    6. Isang Nagsusupling na Sining
  • Isang Kooperatibong Sining: Unity sa mga salita
  • Isang Kooperatibong Sining: Hindi ito maaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito nang kaganapan.
  • Isang Pantaong Sining: Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Pangtao lamang
  • Isang Temporal na Sining: Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Mga salitang uso ngayon. Naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon
  • Isang Limitadong Sining: Marami itong kayang gawin. Maaari nitong paganahin ang ating imahinasyon at gawing posible ang mga bagay na imposible sa ating isipan.
  • Isang Limitadong Sining: Limitado ang ating pagsusulat dahil kailangan piliian ang mga salitang isususlat.
  • Isang May Kabiguang Sining: Hindi lahat magaling sa paghawak ng wika. Hindi lahat ng tao ay nagtatagumpay sa layunin sa lahat ng pagkakataon.
  • Isang Nagsusupling na SIning: Ito ay magiging daan para makilala ka o upang maging sikat. Ang retorika ay nagsusupling na kaalaman.
  • Ang Saklaw ng Retorika:
    1. Wika
    2. Sining
    3. Pilosopiya
    4. Lipunan
    5. Iba pang larangan
  • Wika: Ang retorika upang maging mabisa ay kailangan sumunod sa mga tuntuning pambalarila.
  • Wika: Midyum ng retorika.
  • Sining: Pinapaganda ang mga salita. Gumagamit ng mga simbulo upang bigyang buhay ang isang ideya.
  • Pilisopiya: Maaari siyang maging pilosopikal ngunit kailangan niyang maging risonable o maktwiran.
  • Lipunan: Para sa mga tao o saan ito ibabahagi
  • Iba pang larangan: Pwede ito iapply sa lahat ng bagay. Hindi ekslusibo sa larangan ni wika, sining, pilosopiya, at lipunan.
  • Mga Gampanin ng Retorika:
    1. Nagbibigay-daan sa komunikasyon
    2. Nagdidistrak
    3. Nagpapalawak ng Pananaw
    4. Nagbibigay-ngalan
    5. Nagbibigay-kapangyarihan
  • Nagbibigay-daan sa komunikasyon: Maaari nating ipahayag sa paraan na pasulat upang maunawaan ng ibang tao.
  • Nagdidistrak: Dahil sa pakikinig natin sa iba o sa pagbabasa natin ng mga akda, maaaring nadidistrak ang ating isipan sa mga masasakit na realidad sa ating lipunan.
  • Nagpapalawak ng pananaw: Lumalawak ang pagiisip. Malaki ang pakinabang ng tao sa retorika sapagkat ito'y nagbibigay ng mga bagong kaalaman.
  • Nagbibigay-ngalan: Ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay dumating o ipinaganak ng walang leybel. Dahil sa retorika ang mga bagay na "walang leybel" ay binibigyan ng leybel.
  • Nagbibigay-kapangyarihan: Nagiging kilala o tanyang. Dahil sa retorika maraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan.
  • Kahingian/Kanan ng Retorika:
    1. Imbensyon
    2. Disposisyon
    3. Istilo
    4. Memorya/Pagsasaulo
    5. Paghahatid/Pagbigkas
  • Mga Gampanin ng Retorika: Ang mga ginagawa ng retorika para sa atin.
  • Imbensyon: Walang iba kundi ang paghanap ng paksang susulatin.
  • Imbensyon: Pagtuklas ng mga argumento
  • Disposisyon: Pag-aayos o organisasyon ng sulatin.
  • Tatlong mahahalagang sangkap ng Desposisyon/Organisasyon:
    1. Kaisahan
    2. Pagkakaugnay-ugnay/kahirens
    3. Diin/Emfasis
  • Kaisahan: May iisang tinatalakay. Nakakatulong ito sa pagkakaroon ng kaisahan ng layunin ng bawat pangungusap na makabubuo ng isang talataan.
  • Pagkakaugnay-ugnay/Kohirens: Tumutukoy sa pangangailangan ng kakipilan o ng maigting na pagkakasama-sama ng mga pangungusap.
  • Ayos/Order:
    • Order sa Panahon (Pagsasalaysay)
    • Order na Lohikal (Pangangatwiran)
    • Order sa espasyos (Paglalarawan)
  • Diin o Emfasis: Malilikha sa pamamagitan ng paglalagay ng mahalagang pangungusap na nagbibigay-diin sa isang bahagi ng talataan.
  • Estilo: Kaugnay ng pagsulat ng maganda at epektibong pagpapahayag. Ito ay ang paggamit ng akma, maliwanag at payak ngunit epektibong mga salita na makatutulong sa paglika ng isang nakahihikayat na komposisyon.
  • Uri ng Pagpapahayag/Komposisyon/Diskurso:
    1. Deskriptibo
    2. Naratibo
    3. Ekspositori
    4. Argumentativo
  • Diskriptibo/Paglalarawan: Pagbuo ng mga larawang-isip sa mga mambabasa.
  • Naratibo/Pagsasalaysay: Nagsasalaysay o nagkukuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari na hango sa karanasan, pangyayaring napakinggan/narinig, nakita at iba pa.
  • Espositori/Paglalahad: Nagpapaliwanag. Layunin nitong gumawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag.

    Uri ng Paglalahad:
    1. Balita
    2. Sanaysay
    3. Tala
    4. Suring-basa
    5. Pagbibigay-kahulugan
    6. Pagbibigay-katuturan
    7. Panuto
  • Argumentativo/Pangangatwiran: Pagmamatuwid - anyong pagtatalo ng isang napapanahong usapin o paksa.