Module 1 and 2

Cards (34)

  • Makroekonomiks ang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya ng lipunan
  • Binibigyang pansin sa makroekonomiks ang batas, patakarang pangkabuhayan/panghanapbuhay, at ugnayan sa panloob na ekonomiya.
  • Economic Performance ang batayan kung gaano kaunlad ang isang bansa.
  • Ang paikot na daloy ng ekonomiya ang nagpapakita ng paraan ng pagtakbo ng ekonomiya. Makikita rito ang mahalagang papel ng mga institusyon.
  • Mahalaga ang economic performance upang makabuo ng patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
  • Mga institusyon:
    • Sambahayan
    • Resource Market
    • Bahay-kalakal
    • Product Market
    • Pamahalaan
    • Financial Market
  • Paikot na daloy ng ekonomiya ang patuloy na pag-ikot ng salapi at produkto mula sa sambahayan hanggang sa bahay-kalakal at pabalik.
  • Tableau Economique
    Francois Quesnay
  • Tableau Economique - Nagpapakita ng paikot na daloy ng ekonomiya.
  • Sambahayan - Tagatustos ng salik ng produksyon sa resource market. Sila rin ang tagabili ng produkto sa product market at namumuhunan sa financial market.
  • Bahay-kalakal - Bumibili at nagpoproseso ng salik ng produksyon mula sa resource market at nangunguha ng puhunan sa produksyon sa tulong ng financial market. Nagbibigay din sila ng produkto sa product market.
  • Ang sambahayan ay pinagmumulan ng salik ng produksyon na bibilhin ng bahay-kalakal.
  • Interdependence ang tawag sa relasyon ng sambahayan at bahay-kalakal.
  • Resource Market - Pamilihan ng sangkap ng produksyon, nagbibigay ng kita sa sambahayan at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
  • Product Market - Pamilihan ng commodities na kailangan ng sambahayan, nagbibigay ng kita sa bahay-kalakal at nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
  • Pamahalaan - Nagbibigay ng pampublikong paglilingkod, nagbibigay ng polisiya sa pagnenegosyo, at nangongolekta ng buwis.
  • Ang public revenue ang kita ng pamahalaan na nakukuha mula sa buwis.
  • Financial Market - Nagbibigay ng interes sa inimpok ng sambahayan at tumatanggap ng tubo sa bahay-kalakal.
  • Nagaganap ang pag-iimpok at pamumuhunan dahil sa pagkakaroon ng pagpaplano sa hinaharap.
  • Mahalaga ang panlabas na sektor sapagkat may pandaigdigang pakikipagkalakalan. Ang sambahayan ay nag-aangkat at ang bahay-kalakal ay nagluluwas.
  • Gross National Product - Kabuuang produksyon ng mga mamamayan ng bansa (Citizenship).
  • Gross Domestic Product - Kabuuang produksyon sa loob ng bansa.
  • Ama ng Gross National Product

    Simon Kuznets
  • National Income and Its Composition
    Simon Kuznets
  • National Income and Its Composition - Pinapaliwanag ang pamamaraan na naging dahilan upang mabuo ang kasalukuyang paraan ng pagsukat ng pambansang kita.
  • GNI:
    • Kabuuang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo.
    • Nagawa ng mamamayan ng isang bansa sa takdang panahon.
    • Sinusukat yearly/quarterly
    • PSA-NCSB and ahensiyang nangangalap ng datos.
  • GDP:
    • Halaga ng lahat ng tapos na mga produkto at serbisyo.
    • Ginawa sa loob ng isang takdang panahon.
    • Sa loob ng isang bansa
    • Kasama ang kita ng mga dayuhan sa bansa.
  • Ang GNI at GDP ay ginagamit na panukat sa pambansang kita. Ito ang magsasabi kung umuunlad ang bansa o hindi.
  • Ang GNI ay instrumento ng pamahalaan upang iulat sa mamamayan ang bunga ng kanilang pamamalakad. Ginagamit din itong panukat ng kalagayan ng isang ekonomiya.
  • Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita:
    • Masusubaybayan ang direksyon na tinatahak ng ekonomiya.
    • Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon.
    • Magiging gabay ito sa mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo patakaran at polisiya.
  • Paraan ng Pagsukat ng GNI at GDP:
    1. Expenditure Approach
    2. Income Approach
    3. Industrial Origin Approach
  • GNI=GNI =C+ C +I+ I +G+ G +(XM)+ (X-M) +SD+ SD +NFIA NFIA
  • GDP=GDP =GNINFIA GNI - NFIA
  • Limitasyon ng GNI at GDP:
    • Hindi pampamilihang gawain (mga binuo ng tao sa sariling kapakinabangan)
    • Impormal na sektor (hindi rehistro at hindi naiuulat sa pamahalaan)
    • Kalidad ng buhay (para sa kalinisan, pahinga, at kalusugan)
    • Externalities (hindi sinasadyang epekto)