estilo - Dito makikita ang husay ng tagapag-debate sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.