Ang mito o mulamat ay isa sa pitong uri ng matandang kuwentong-bayan tulad ng: alamat, pabula, parabula, kuwentong katatawan at kuwentong kababalaghan na tungkol sa mga bathala, sa pagkakalikha ng daigdig at iba pang kalikasan, tungkol din sa pinagmulan o pagkakalikha ng mga unang tao, sa mga bayani na nagpapakita ng kanilang kagitingan at kapangyarihan at sa iba pang may kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang mga anito.