Ang kakayahang komunikatibo ay hindi lamang tumutukoy sa kakayahangmaunawaan ng isang indibiduwal ang wika batay sa estruktura o literal na kahulugan nito; kundi, sakop din nito ang pag-unawa sa iba pang elemento na bumubuo sa proseso ng pakikipagtalastasan gaya ng konteksto o sitwasyong nakapaloob dito.
Kakayahang Lingguwistik
Tumutukoy ito sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay dito ang kakayahang umunawa sa mga morpolohikal, ponolohikal, at sintaktik na katangian ng wika at kakayahang magamit ang mga ito sa pagbuo ng mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap, at gayon din sa pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga ito.
Kakayahang Lingguwistik
Ponolohiya - kakayahan sa tunog ng wika
Morpolohiya - kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa isang wika
Sintaks - kakayahan sa pagsunod sa gramatikal na tuntunin at pagbuo ng mga pangungusap sa isang wika
Semantika - kakayahan sa pag-unawa sa kahulugan ng mga salita sa isang wika
Kakayahang Sosyolingguwistik
Ang kakayahang sosyolingguwistik ay isang kakayahan ng gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Setting - Saan ang pook ng pangungusap o ugnayan ng mga tao?
Participants - Sino-sino ang mga kalahok sa pangungusap o pakikipagtalastasan?
Ends - Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na ito?
Act Sequence - Paano ang takbo ng usapan?
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
Keys - Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
Instrumentalities - Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
Norms - Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtalakay sa nasabing paksa?
Genre - Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nangangatwiran, o nakikipagtalo? Ano ang espisipikong sitwasyong ginamit?
Kakayahang Pragmatik
Tumutukoy ang kakayahang ito sa abilidad niyang ipabatid ang kanyang mensahe nang may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at ngayon din sa abilidad niyang mabigyang-kahulugan ang mga mensaheng nagmula sa iba pang kasangkot sa komunikatibong sitwasyon (Fraster 2010).
Speech Act Theory
Pinaniniwalaan ng teyoryang ito na nagagamit ang wika sa pagganap sa mga kilos at kung paanong ang kahulugan at kilos ay naiuugnay sa wika (Clark, 2007).
Sa pagpapaliwanag ni Yule (1996 & 2003) ang mga speech act na ito ay mga kilos na ginanap sa paumanhin, pagrereklamo, papuri, paanyaya, pangako, o pakiusap.
Tatlong Akto ng Speech Act
Sa bawat speech act, may tatlong magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay. Ang mga ito ay tinatawag niyang locutionary act, perlocutionary act, at illocutionary act.
Locutionary act - ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng isang makabuluhan na linggwistikong pahayag.
Illocutionary act - ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang paggawa ng mga lingguwistikong pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang dahilan. May nasasaisip na tiyak na paggagamitan ng mga ito.
Perlocutionary act - ay tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.
Komunikasyong Di-Berbal
Chronemics - Ang paggamit ng oras, ay maaring kaakibatan ng mensahe.
Proxemics - Maaaring may kahulugan ang espasyo sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.
Kinesics - Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa tunog na lumalabas sa ating bibig.
Komunikasyong Di-berbal
Haptics - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa kausap.
Paralanguage - Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
Objectics - Paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe.
Kakayahang Diskorsal
Ang kakayahang diskorsal ay tumutuon hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal sa pangungusap kundi sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan (Savignon 2007). Pumapaloob sa kakayahang ito ang abilidad na maunawaan at makalikha ng mga anyo ng wika na mas malawig kaysa sa mga pangungusap.
Kohisyon
Ang kohisyon ayon kina Halliday at Hassan (1976) ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto.
Kohirens
Tumutukoy naman ang kohirens sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya.
Kakayahang Estratihiko
Ito ang ang abilidad ng gumagamit ng wika na malagpasan o may kakayahang ayusin ang mga suliraning dulot ng mga di-pagkakaunawaan sa komunikasyon (Celce-Murcia, Dörnyei & Thurrell, 1995).