Filipino (Radio)

Cards (16)

  • Noong Hunyo 1922, itinatag ni Henry Hermann ang 50 watts na istasyong ng Radio sa Pasay at Manila. Ito ay isang uri ng libangan noon at nagpapakilala ng mga produkto at serbisyo upang magkaroon ng kita. Noong 1924 ang unang dalawang letra ng KZ ay nakatakda sa lahat ng istasyon ng radio sa Pilipinas. Kaakibat nito ang batas Estados Unidos.
  • Pinalitan ang KZ ng KZKZ na 100 watts radio station na nag simula ng komersiyo. Noong 1929, nagbukas ang KZRC-Radio subalit nagsara ito dahil sa mahinang signal mula Cebu hanggang Maynila. Pagkatapos ng sampung taon ay muli itong nagbukas at walang takot na nagsahimpapawid kasama ang mga samahan ng mga gerilya - mga lalaking nagtatanggol noon sa panahon ng Amerika.
  • Ipinahayag noong 1931 ang Commonwelt Act No. 3840 o Radio Control Law, na binuo ng Radio Control Division, ang ahensiya ng broadcasting ilalim ng pamamahala ng kalihim ng komersiyo at industriya. Sa kalaunan ay tinawag na Radio Contol Office na nagtagal hanggang 1972 nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081 ang paglalagay ng buong bansang Pilipinas sa ilalim ng batas military"
  • FOI o Freedom of Information Bill - Ayon sa Seksiyon 6 na binibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensiya ng gobyerno. Subalit hindi ito naipasa noong pasko ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tanada III.
  • Matapos bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor ng Hawaii noong Disyembre 1941, agad na sinunod ng mga Hapones ang pag-atake sa Davao, Baguio, Clark Field sa Pampanga, at ang base ng Amerikano sa Cavite.
  • Sina Pangulong Manuel L. Quezon, Pangalawang Pangulong Sergio Osmenia at Lt. Gen. Douglas MacArthur ay umalis sa Maynila at nagtungo sa Corregidor. Sa panahong ito, ang KZEG, KZIB, KZRH, at KZRM ang anim na mga komersiyal na himpilan ng radio. Tanging KZRM ang tumagal sa himpapawid mula 1927. Tatlong linggo matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang Estados Unidos ay nagtalaga ng shortwave relay station sa Pilipinas. Ito ay tumagal sa loob ng anim na araw.
  • Si Heneral Masaharu Homma, Japanese Army Commander ni Chief, ay nagdeklara ng katapusan ng pananakop ng Amerikano; pag-atang ng martial law, at pagtatatag ng Japanese Military Administration.
  • KZRH na tinatawag ding KIAN, PIAN, at PIRIN. KZRM na tinatawag ding PIAM at PIRM. Sa pamamahala ng Hapones ang unang dalawang letra ng PI ay tumatayo bilang Philippine Islands. Noong Pebrero 6, 1942, si Hen. Emilio Aguinaldo ay nanawagan sa KZRH na kontrolado ng mga hapones na sumuko na ang mga Pilipino at Amerikano pero hindi talaga ito ang gusto ni Aguinaldo.
  • Sa kabilang dako, ang Far East Broadcasting Company na nagpapatakbo ng dalawang mobile shortwave station sa labas ay nakuha ng US Army at ito ay ang KZRB na bastog sa Australia at New Zealand. Ito ang kauna-unahang shortwave relay station.
  • Ang mga Pilipino ay nakikinig sa mga shortwave radio broadcast mula sa mga sundalong Amerikano na nasa Corregidor, Bataan, at Honolulu, Hawaii. Humigit kumulang sa tatlong buwan ay isinahimpapawid sa Bataan ng America Radio Station ang islogan na Freedom Radio na siyang nagbigay ng lakas at pag-asa sa mga gerilya sa buong kapuluan. Nanatiling instrument ang radio sa mga Pilipino at marinig ang ipinangakong I Shall Return ni MacArthur.
  • Si MacArthur at ang kanyang tropang Amerikano ay pumunta sa Plo, Leyte noong Oktubre 20, 1944 at muling naitatag ang pamahalaang Komonwelt sa Tacloban, Leyte noong Oktubre 23, 1944. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig, ang KZFM ang kauna-unahang istayon sa radyo na narinig sa himpapawid. Muli itong nagbukas noong Mayo 1945 at pinangasiwaan ng US Army Office of War Information.
  • Pagkatapos maproklama ni Pangulong Harry Truman noong Hulyo 4, 1946, tuluyan itong ibinigay ng pamahalaang US ang pamahalaan ng Pilipinas noong Setyembre 11, 1946. Ang KZFM ay pinalitan ng DZFM noong 1947, na siyang naging tipunan ng Philippine Broadcasting System.
  • Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, koordineytor sa ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa napapanahong isyu. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.
  • Ang pwersa ng hukbong Hapones ay dumating sa Legazpi, Albay; Aparri, Cagayan; Vigan, Ilocos Sur at ang pinaka matinding pwersa ay dumaong sa Lingayen, Pangasinan.
  • Itinatag ang Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas o KBP upang magmatyag at maging mata ng lahat.
  • Binuhay muli ng mga Hapones ang tatlong istasyon ng radio sa Maynila. Ito ay ang KZRH, KZRM, at KZRF. Sa tatlong istasyon, dalawa rito ay bantog sa Estados Unidos at South Pacific.