Talino ang natatanging puhunan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay
Mahalagang mahasa ang talino ng bawat tao para sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran
Kailangang masidhi at malawak ang pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan ng lahat ng karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, syensya, matematika, pilosopiya, sining, at iba pa (Bernales, et.al,: 2001)
Sa pagbabasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang sapagkat nagiging sapat ang kanyang kaalaman, kaligayahan, at kasiglahan sa pakikisalamuha sa mga kapaki-pakinabang na gawaing nagpapaunlad sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at sa lipunang kanyang kinabibilangan
PAGBASA (AUSTERO, ET AL.: 1999):
Ito ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita
Ito ay ang pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo
Ito ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan, at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag
PAGBASA (BERNALES, ET AL.: 2001):
Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat
PAGBASA (GOODMAN (SA BADAYOS, 2000)):
Ito ay isang psycholinguistic guessing game
Sa pagbasa, ang isang mambabasa ay bumubuomulingkaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa
Binigyang diin dito ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng prediksyon sa pagpapakahulugan ng tekstong binasa
PROSESO AT KATANGIAN NG PAGBASA:
PERSEPSYON:
Pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo
Pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa
KOMPREHENSYON:
Pagpoproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa
Pag-unawa sa tekstong binabasa
REAKSYON:
Paghahatol o pagpapasya ng kawastuhan, kahusayan, at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa
ASIMILASYON:
Pagsasama at pag-uugnay ng kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan
PAGLALARAWAN SA PAGBASA (BADAYOS, 2000):
Ang pagbasa ay walang kahiingang imposible para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip
Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata nang ang mga imaheng mula sa braille na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso
Ang efektiv na mambabasa ay isang iteraktiv na mambabasa
Maraming iba’t-ibang hadlang sa pag-unawa, bukod sa mga hadlang sa pagbabasa
Ang magaling na mambabasa ay sensitive sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa
Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa
Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto at kaisipan
Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor (bi-directional)
MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA:
TEORYANG BOTTOM-UP:
Tradisyunal na pananaw sa pagbasa
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response)
Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugtu-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala, at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos, 2000)
Ang proseso ng pag-unawa ay ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up)
TEORYANG TOP-DOWN:
Ang pagbabasa ay prosesong holistic
Teoryang inside-out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto
Nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid
Nakabubuo ng mga palagay at hinuha na iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto
TEORYANG INTERAKTIV:
Tambol:
Malakas ang tunog ng tambol na dala-dala ni Juan noong parada
Parang tambol ang dibdib ni Joan noong siya'y nagtatalumpati
Hangin:
Ang lamig ng simoy ng hangin, wari'y sasapit na ang taglamig
Parang hangin na nawala ang mag-aaral ni Binibining Santos
Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa hulwarang ito bagama’t minsan ay ang kabalikan nito
Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon
Paghahambing at Pagkokontrast:
Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari
2 Paraan ng Hulwarang Ito:
Halinhinan (Alternating) na pagtalakay sa katangian
Isahan (Block) – magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang pinaghahambing at kinokontrast
Problema at Solusyon:
Pokus ng hulwarang ito ang patalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan
Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw:
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon?
Paghinuha at Paghuhula:
Tungkol saan ang teksto?
Ano kaya ang mangyayari?
Bakit kaya iyon nangyari?
Ano ang nais sabihin sa akin ng awtor ng teksto?
Inferensing: Tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sa ilang clues
Prediksyon: Kadalasang gamit ito sa pagbabasa ng mga kwento at nobela
Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon:
Pagbibigay-interpretasyon sa mapa, tsart, grap, at talahanayan
Mga presentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa isang teksto
Nagagawang payak at mas madaling unawain ang mga datos na inilalahad sa isang teksto
Wastong Interpretasyon ng mga Mapa, Tsart, Grap, at Talahanayan:
1. Pansining ang mga leyenda (legend)
2. Pansining ang mga iskeyl na ginamit
3. Talababang ginamit
4. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi
Mapa: Naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya
Tsart: Nagpapakita ng dami o estruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hinihingi o ibibigay na impormasyon
Grap: Dayagram na sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos
Talahanayan: Naglalahad ng datos sa tabular na anyo
Kard Katalog:
Listahan ng mga nilalaman ng isang aklatan
Nakaayos gamit ang tarheta o kard na may sukat na "3X5" para sa bawat bagay sa aklatan
Mahalaga para mapadali ang paghahanap ng mga libro at maging mas organisado ang isang silid aklatan
Uri ng Kard Katalog:
Kard ng paksa
Kard ng awtor
Kard ng pamagat
Paggamit ng mga Sanggunian:
Kard ng Paksa (Subject Card): Hanapin kung ang mananaliksik ay hindi pa malinaw sa paksang tatalakayin
Kard ng Awtor (Author Card): Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa awtor
Kard ng Pamagat (Title Card): Nilalapitan ng mga estudyante na hindi pa gaanong tukoy ang paksa o awtor na gustong saliksikin
Nilalaman ng Komprehensibong Kard Katalog:
Pangalan ng awtor/sagisag-panulat (apelyido, pangalan, inisyal)
Numero ng libro (call number)
Kapanganakan ng awtor
Tala ng mga ilustrasyon at mapa
Sukat ng libro
Palimbagan
Numerong ayon sa Library of Congress
Petsa ng pagkakalagay ng numero
Klasipikasyon ayon sa Dewey Decimal System
Paksang panimula
Mga pahina ng indeks
Mga pahina ng introduksyon
Mga pahina ng pangunahing nilalaman
Klasipikasyon ng Pagsasaayos ng mga Aklat sa Aklatan Batay sa Estados Unidos Dewey DecimalSystem (DDS):
School Libraries/Public Libraries (10): Bawat uri may kanya-kanyang subdibisyon (Halimbawa: Panitikan 800-899)
Library of Congress (LC) (Herbert Putnam 1897): Pinagmulan ng malalaking letrang makikita sa mga aklat para maklasipika ang iba't-ibang paksain (mas detalyado) (Larger Academic Libraries 21)
Pagsulat ng Impormasyon:
Paggamit ng Indeks Kard Sipi: Tawag sa tiyak at mismong salita, parirala o pangungusap ng awtor na kinuha ng mananaliksik para sa kanyang pag-aaral
Halimbawa: Lagom - Inedit ng mananaliksik upang mapaikli, mapagaan o maiakma sa kanyang mga mambabasa
Inuri ni Alejandro (1948) ang lagom sa mga sumusunod: halaw (abstract), tala (notes), suring-basa (review), hawig (paraphrase), at interpretasyon
Mga Bagay na Maaring Sanggunin sa Aklatan:
Diksyunaryo
Pahayagan
Tesawro
Internet
Ensiklopedya
Magasin
Almanac
Akademikongdyornal
Atlas
Direktoryo
Mga Dapat Tandaan sa Pagkuha ng Impormasyon:
Kailangan ang pinagkukunan ay isinulat ng mapagkakatiwalaang may-akda o institusyon
Tignan mabuti kung paano isinulat ang impormasyon
Kung ang paksa ay tungkol sa medisina, siyensiya, o teknolohiya, hanapin ang pinakabagong artikulo o datos
3 BAHAGI
→TERMINO o salitang binibigyang-kahuluhgan
→URI, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang
terminong binibigyang-kahulugan
→NATATANGINGKATANGIAN nito (distinguishing
characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na
uri.
DIMENSYONG DENOTASYON
→karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa
diksyunaryo
DIMESNYONG KONOTASYON
→di tuwirang kahulugan o matalinghagang kahulugan
2 URI NG PAG-IISA O ENUMERASYON
SIMPLE
→pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng
mga kaugnay at mahalagang salita.
KOMPLIKADO
→pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing
paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.
SIKWENSYAL
→kinapapalooban ng serye ng pangyayaring
magkakaugnay sa isa’t-isa na humahantong sa isang
pangyayari na siyang pinakapaksa ng teksto.
KRONOLOJIKAL
→kung ang paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang
mga bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang
tiyak na varyabol (edad, distansiya, tindi, halaga,
lokasyon, posisyon, bilang, dami)
PROSIJURAL
→uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang
matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
2 PARAAN NG PAGHAHAMBING AT KONTRAST
HALINHINAN (ALTERNATING) na pagtalakay sa
katangian.
2. ISAHAN (BLOCK) – magkasunod na pagtataya sa
katangian ng dalawang paksang pinaghahambing
at kinokontrast
PAKSANG PANGUNGUSAP
→sentro o pangunahingtema o pokus sa pagpapalawak
ng ideya
DAMDAMIN NG TEKSTO
→ tumutukoy sa kung ano ang nagging saloobin ng
mambabasa sa binasang teksto.
TONO NG TEKSTO
→tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang
tinatalakay.
PANANAW NG TEKSTO
→ Tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng awtor sa