ANG KONSEPTO NG KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

Cards (49)

  • Ito ay tumutukoy sa pisikal, pisyolohikal, at biyolohikal na katangian ng isang tao na nauuri sa pagiging babae at lalaki.
    sex
  • Ito ay tumutukoy sa mga gampanin, tungkulin, at aktibidad na itinatalaga sa isang tao ng lipunan batay sa kanyang sekso.
    Gender
  • Sa binary concept of gender, ipinapaliwanag na may dalawang kasarian lamang— lalaki at babae.
  • Ang pag-uugali na katugma sa mga inaasahan ng kultura sa isang kasarian
    gender-normative
  • Ang mga pag-uugali na tiningnan bilang hindi kaayon sa mga inaasahan na ito
    gender nonconformity
  • Ito ay ang kaugalian, pagpapahalaga, at gampanin na itinuturing na angkop para sa isang kasarian sa kanyang lipunan.
    Gender role
  • Dalawang kategorya ng gender role:
    • masculinity
    • femininity
  • Ang masculinity ay tumutukoy sa mga gampaning kaakibat ng pagiging lalaki
  • Ang femininity ay tumutukoy sa mga gampaning kaakibat ng pagiging babae
  • Ito ay ang pansariling pananaw at pagkakakilanlan sa sariling kasarian na maaaring bilang isang lalaki, babae, o transgender.
    gender identity
  • Ito naman ay tumutukoy sa panlabas na pagkakakilanlan batay sa kasariang pagkakakilanlan ng isang tao.
    gender expression
  • Ito ay ang pagkakakilanlang seksuwal at emosyonal ng isang tao sa ibang tao
    sexual orientation
  • Mga teorya ng kasarian at seksuwalidad:
    • Gender schema theory
    • Expectation states theory
    • Queer theory
    • Theory of feminism
  • Ang teorya na ito ang nagsasad na ang mga katangian at kaugalian ng isang kasarian ay representasyon ng mga katergorya na batay sa sariling pagkakakinlanlan.
    Gender schema theory
  • Ito ay tumutukoy sa kabuuang kaalaman at kodipikasyon ng kaalaman batay sa karanasan sa isang paksa o pagkakaunawa sa isang paksa
    Schema
  • Ayon kay Sandra Bem, ang bumuo ng gender schema theory, ang apat na pagkakakilanlan ng kasarian ay ang:
    • sex-type
    • cross-sex type
    • androgynous
    • undifferentiated
  • Ang teorya ay tumutukoy sa kasarian ng isang tao ay may kaugnayan sa kanyang impluwensiya sa lipunan.
    Expectation States Theory
  • Unang ginawa ni Joseph Berger ang expectation states theory at pinalawak ito ni Cecilia Ridgeway.
  • Ang teoryang ito ay sumusuri sa paraan kung paano naipahahayag ang seksuwalidad at kasarian sa lipunan.
    Queer Theory
  • Ang Queer Theory ay unang ipinakilala ni Rosemary Hennessy,
  • Ito ay ang pangkalahatang termino para sa mga tao na hindi kabilang sa tradisyonal na pag-uuri ng kasarian (lalaki o babae), tulad ng lesbian, gay, bisexual, transsexual, pansexual, asexual, at iba pa.
    Queer
  • Ipinakilala ng Queer Theory ang suliranin sa pagkilala sa kasarian bilang binary:
    1. pag-uuri batay sa tradisyonal na pamantayan bilang lalaki o babae
    2. pag-uuri bilang heterosexual at homosexual
  • Ito ay tumutukoy sa lahat ng klasipikasyon ng kasarian, gender identity, at oryentasyong seksuwal.
    gender and sexual diversity
  • Ito ay tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon at seksuwal na pagnanasa sa miyembro ng kabilang kasarian tulad ng lalaking naaakit sa babae o babaeng naaakit sa lalaki
    Heterosexual
  • Ito ay tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon at seksuwal na pagnanasa sa miyembro ng parehas na kasarian tulad ng lalaking naaakit sa kapuwa lalaki (gay) o babaeng naaakit sa kapuwa babae (lesbian).
    Homosexual
  • Ito ay tumutukoy sa mga taong nakararanas ng atraksiyon at seksuwal na pagnanasa sa miyembro ng parehas na kasarian (babae at lalaki).
    Bisexual
  • Ito ay terminong medikal na naglalarawan sa mga taong nagpalit ng sekso sa pamamagitan ng mga interbensyon o operasyong medikal (sa kasalukuyan ay tinatawag na gender affirmation surgery o sexual reassignment surgery).
    Transsexual
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na ang emosyonal at sikolohikal na pagkilala sa sarili ay kabahagi ng kabaligtad na kasarian, o ang panloob na pagkakakilala sa sariling kasarian na iba sa kasarian na kinagisnan.
    Transgender
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na hindi nakararanas ng seksuwal na pagnanasa sa anumang kasarian.
    Asexual
  • Ito ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak na parehong may biyolohikal na katangiang sekso na babae at lalaki.
    Intersex
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na ang atraksiyon o seksuwal na hangarin ay hindi limitado sa piling sekso (babae o lalaki), kasama na ang homosexual, transsexual, transgender, at iba pa.
    Pansexual
  • Ito ay tumutukoy sa isang tao na ang pagkakilanlan sa sariling kasarian ay nagbabago batay sa inaasahan ng lipunan sa isang sekso.
    Gender Fluid
  • Ito ay isang malawak na teorya na sumasakop sa gampanin ng kababaihan at epekto nito sa lipunan.
    Feminism
  • Kinilala si Charles Fourier, isang pilosopong Pranses, na unang gumamit ng salitang peminismo noong 1837
  • Ang apat na bugso ng peminismo:
    1. pagkakaroon ng karapatan na bumoto
    2. pagkakaroon ng karapatang sibil at pagkakapantay-pantay ng kasarian
    3. pagiging “babae” ay nabigyan ng tuon.
    4. pagkakaroon ng hustisya para sa kababaihan
  • Ang kababaihan na nagsulong ng karapatan na ito sa iba’t ibang bansa
    suffragette
  • Ito ay isang negatibong konsepto kung saan itinuturing na masama o nakasasama sa lipunan ang pagsasalita ng biktima laban sa umabuso sa kanya.
    Victim Blaming
  • Ito ay ang konseptong kultural kung saan pinaniniwalaan at pinupuri ang pagkalalaki bilang mas malakas na kasarian at pangingibabaw nito kompara sa ibang kasarian.
    Toxic masculinity
  • Ang terminong "toxic masculinity" ito ay unang ginamit ni Shepherd Bliss, isang sikolohista, noong 1980.
  • Ito ay tumutukoy sa isang sistemang panlipunan kung saan ang kalalakihan ay may pangunahing kapangyarihan at siyang namumuno sa mga tungkulin ng pamunuang pampolitika, may awtoridad sa moralidad, mas may pribilehiyo sa lipunan, at may kontrol ng mga pag-aari.
    Patriarchy